^

PSN Opinyon

2020 na, bakbakan na naman sa mga patay-patay!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakahanda na ang listahan ng BITAG ng mga tatraba­huhin namin ngayong taong 2020.

Salamat sa katatapos lamang na selebrasyon ng Pasko­ at Bagong Taon. Naging pagkakataon ito upang ma­ka­pag-isip at makapaghanda ang aming grupo ng mga bagong taktika’t pamamaraan ng pagtulong sa kapwa.

Lalo’t may mga naiwan kaming trabaho na dapat kinas­tigo na ng BITAG noon pang 2019. Dahil may okasyon, nag­menor muna kami’t nagbigay ng pagkakataon sa mga awtoridad na tinawagan namin ng pansin.

Pero taong 2020 na at ikalawang linggo na ng taon, tapos na ang bakasyon at hibernation. Oras na para gisi­ngin ang mga natutulog sa pansitan.

Una sa listahan ng BITAG ang red plate vehicle na na­aktuhan ng mga BITAG night strikers na namimick-up sa Quezon Ave. Nasundan namin ito hanggang sa hotel na pinag-check-inan.

Kumatok na kami sa ahensiya ng gobyerno kung ka­nino nakapangalan ito. Pero hindi maganda ang sagot ng tanggapang ito sa amin, sounds like its no big deal to them at tila walang pakialam.

Eto pa, may isang mayor na nagbigay ng babala sa mga dayuhang employer sa kanilang siyudad. Hinggil ito sa pananamantala’t pagtrato ng hindi maganda sa mga manggagawang Pilipino.

May inilapit kaming trabaho sa inyo hinggil diyan. Pero hirap na namang magbigay ng schedule na humarap ang mayor n’yo.

Ilan lang ito sa malalaking tatrabahuhin ng BITAG nga­­yong 2020, babalikan ko kayo ngayon.

Marunong kaming sumunod sa polisiya na sumulat, tumawag, humingi ng appointment pero kung ito ang pa­raan n’yo para isnabin ang mga inilalapit sa inyo para kusang mamatay ang isyu, nagkakamali kayo.

Ngayong 2020, itigil n’yo na ang burukrasya sa mga ahensiya ng gobyerno na kinakailangan pang magpadala ng pormal na liham, humingi muna ng “appointment” at mag-aantay ng ilang araw para tugunan ang mga reklamo.

Maraming maliliit na kababayan nating humihingi ng tulong ang naging biktima ng burukrasyang ito.

Maging kami, ang T3-Tulfo Brothers nabiktima na ng mga taong hinalal o binigyan ng posisyon sa gobyerno na nagtatayngang kawali sa mga humihingi ng tulong.

Huwag n’yo na kasing gamitin sa pulitika ang kahirapan, kahinaan at pangangailangan ng mga pobreng kababayan natin.

Kaya dalangin namin sa BITAG na maging malikhain at laliman pa ng ating pamahalaan ang kanilang sistema’t pagtulong sa mga nangangailangan.

Eto ang hamong kakaharapin ng BITAG ngayong taong 2020. Nawa’y hindi na kailangan pa ng bruskuhan at gibaan para masolusyunan ang isang reklamo.

Pero kung talagang ayaw magpadala sa maayos at magandang usapan at patay malisya pa rin sa dapat aksiyunang problema, bakbakan na ‘yan!

vuukle comment

2020

BAGONG TAON

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with