^

PSN Opinyon

Mga Pinoy positibo ang pananaw sa 2020

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HALOS lahat ng Pilipino ay mataas ang pag-asa na ang papasok na taong 2020 ay magiging maalwan at masagana. Tayong mga Pilipino ay “hopeful people” talaga and that’s the right attitude.

Iba ang hope sa expectation. Ang hope ay walang katapusang pananalig na ang mga magagandang bagay na inaasam ay matutupad nang walang pasubli. Ang expectation ay may limitasyon. Kapag nainip ka sa kaaabang sa inaasahan mo at ‘di matupad ay susuko ka na nang masama ang loob.

Sa isang survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS), 96 percent ng mga Pilipino na ang Bagong Taong paparating ay magiging lipos ng pag-asa. Sa 1,200 adult respondents, 96 percent ang nagpahayag ng positibong pananaw. Ito’y sa isinagawang survey noong Disyembre 3-16 ng taong ito.

Sa harap ng maganda at positibong pananaw na ito, naririyan ang balitang tataas na naman ng malaking por-syento ang presyo ng petolyo, hindi lang dahil sa takbo ng pandaigdig na pamilihan kundi dahil sa nakatakdang imple-mentasyon ng ikalawang bahagi ng Train Law na magpapa- taw ng dagdag na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ganyan din ang resulta ng survey sa mga nakalipas na taon sa kabila nang sari-saring krisis na kinakaharap ng bansa maging sa larangan ng politika o ekonomiya.  Sa kabila ng high optimism ng mga kababayan natin, bawat taon ay palaging may dulot na political crisis habang nagpapatuloy ang tuligsaan ng mga mamamayang nahahati ang paniniwalang politikal sa social media.

Marahil, kung mawawala na ang mga ganitong batuhan ng masasakit na pananalita ng mga kampong pabor at kontra sa administrasyon, lalung sisirit paitaas ang progreso ng ating bansa. Ang nakalulungkot kasi, kung kailan nahaharap sa krisis ang bansa ay saka pa nagkakawatak-watak ang mga Pilipino, sa halip na magkaisa sa pagresolba sa mga krisis.

vuukle comment

HOPE

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with