^

PSN Opinyon

Hustisya nakamit na rin sa wakas!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Makalipas ang 10 taong kalungkutan at pagsigaw ng hustisya, nakamtan na rin ito matapos na mapatawan ng habambuhay na pagkakulong ang mga berdugong Ampa­tuan at kanilang mga kasapakat. Ngunit tila nag-iwan pa rin ito ng alalahanin sa mga biktima ng Maguindanao massacre mga suki dahil mahigit pa sa 80 katao ang kasalukuyang nakakalaya. Hindi malayong makagawa pa rin ang mga ito ng mga karumal-dumal na krimen upang maipaghiganti ang kanilang mga kamag-anakan at kasamahang ipina­kulong ng habambuhay.

Sa totoo lang mga suki, dapat lamang na magpasalamat si Rep. Ismael Mangudadatu sa naging hatol ni Judge Jo­celyn Solis-Reyes dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa, kapatid at mga kamag-anak na pangunahing tinarget noon ng mga Ampatuan sa away puli­tika. Nadamay lang dito ang mga 32 mediamen dahil kasama sila sa convoy patungo sa Comelec nang mag-file ng certificate of candidacy ni Mangudadatu. Ito ang naging mitsa upang maging maingay sa lahat ng sulok ng bansa at maging sa buong mundo dahil itinuring itong pinaka-karumal-dumal na pagpatay ng mga mamahayag.

Malaki ang naging papel ni Atty. Harry Roque at Rommel­ Bagares na tumayong abogado ng mga biktima ng Ma­guin­danao Massacre. Ang paghimay-himay sa mga dokumento at ebidensiya ang naging sandata nina Roque at Bagares sa pakikipagbuno sa mga de-kalibreng abogado ng mga berdugong Ampatuan at mga kasapakat sa krimen. Idagdag pa rito ay ang mga testimonya ng mga naging saksi na ‘di ko na lamang babanggitin upang kahit papaano’y maiiwas ko sila sa kapahamakan. Kaya ang hatol ay habambuhay na pagkakulong na walang parole.

Malinaw kasi na kaya ipinapatay ng mga Ampatuan ang 57 katao ay upang mahadlangan ang kanilang political carrier at ang paghari-harian sa puwesto. Ang masakit nito maging itong kapulisan na naging sunud-sunuran sa kumpas ng mga Ampatuan ay asama na nila sa loob ng kulungan. Mga pulis na pinasasahod nating mga taxpayers na dapat na magbibigay sa atin ng proteksyon ay sila pa mismo ang kumikitil ng buhay dahil sa kumakamal sila ng datung mula sa kanilang mga among berdugo.

Walang awa nilang pinagpapatay ang mediamen na kumukober lamang ng istorya. Ang masakit nito hindi lahat ng kapulisan na kasama sa inakusahan ay nahatulan, may ilan pa kasi sa kanila ang naabswelto at makakalaya na naman at makakabalik muli sa serbisyo. Ito ngayon ang mainit na pinaguusapan sa bakuran ng Manila Police District, kasi kung makakabalik ang mga ito, maibibigay pa nila ang serbisyong “To Serve and Protect” sa sambayanan?

Kaya dapat na pagaralang mabuti ito ni PNP Officer-in-Charge Lt.Gen. Archie Gamboa. Kung yung mga “ninja cops” nga ay di pa rin nakakalos lahat sa hanay ng Philippine National Police na naging sakit ng ulo sa ngayon ni President Rodrigo Duterte, idadagdag na naman itong mga pulis na isinangkot sa Maguindanao massacre. Kasi ayon sa aking mga kausap na mga retired police ng MPD, kaduwagan ang itong ipinakita ng mga kapulisan noong minasaker ang 57 katao sa Maguindanao.

Lumalabas kasi sa tesmonya ng ilang kapulisan na may naririnig silang putukan subalit hindi nila nirespondehan dahil normal lang umano ito sa kanilang nasasakupan. Malinaw na naduwag sila o kung hindi man ay tali ang kanilang mga bayag dahil mga amo nila ang nasa massacre area. Kaya may hiling sila kay Gamboa na tuluyan na itong walisin sa PNP ang lahat ng naabsuweltong pulis ng hindi na sila pamarisan ng mga kapulisan.

vuukle comment

AMPA­TUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with