^

PSN Opinyon

Media sa droga dapat pangalanan

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may mga big time media people na sangkot sa ilegal na droga at kabilang sa mga high profile target ng ahensya. Ngu­nit ayaw pangalanan ng PDEA ang mga personalidad na ito.

Ang mga media people na ito, ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino ay siyang protektor ng mga big time drug lords. Hindi ako magtataka kung totoo ang paratang na ito. Ang sa akin lang ay dapat mailantad sa publiko ang kani­lang pagkakakilanlan.

Ang larangan ng media ang itinuturing na 4th Estate ng ating lipunan na nagsisilbing tenga at mata ng taum­bayan sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Kung hindi papangalanan ang mga kagawad ng media na sinasabing sangkot sa droga, apektado ang kredibilidad ng buong ins­titution.

Wika nga, ang mga pahayagan, radio at telebisyon at iba pang media entity ang tanod ng demokrasya na nagsisiwalat ng mga anomalya sa lipunan. Kung mawawalan ng kredibilidad, paano pa sila paniniwalaan?

Kung mayroon mang lehitimong rason na huwag silang pangalanan, sana’y hindi na nagpahiwatig ang PDEA na may kasangkot na media people sa ilegal na negosyo ng droga. Ang pinakamabuting gawin sana ng PDEA ay ipagharap ng karampatang sakdal ang mga taong tinu­tukoy, pa­ngalanan at nang huwag madamay ang ibang media practitioners na hindi naman kasangkot sa panga­ngalakal ng droga.

Hindi lamang sa media practitioners dapat gawin ito kundi sa ibang mga propesyon na pinaghihinalaang nadadawit sa droga gaya ng mga politika, pulis, artista at iba pa. Kung magdadawit man, dapat tukuyin ang pangalan para ang ibang walang bahid ay hindi paghinalaan. Ngunit kung gagawin iyan, tiyakin munang may matibay at di mapasusubaliang ebidensiya laban sa kanila. Kung maaari, naipagharap na sila ng sakdal bago ibahagi ang pangalan.

vuukle comment

AARON AQUINO

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with