^

PSN Opinyon

Iniwan sa altar ang binuntis (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG kasong ito ay tungkol sa mag-siyota na ang matamis na pag-ibig ay nauwi sa mapait na bangayan sa korte. Kadalasan ay nadadala ng tindi ng kanilang damdamin ang magsing-irog kaya pinapangako ang buwan at mga bituin.

Puwede rin naman na pumayag ang babae at ibinigay ang sarili sa lalaki kapalit ng pangakong pakakasalan siya ng boyfriend.

Kapag nabali ang pangako ay puwede ba siyang idemanda ng biktima at pagbayarin ng danyos perwisyo? Puwede kaya na maghabol ng moral damages ang babae dahil sa pagtalikod ng lalaki sa kasal? Ito ang mga isyung sasagutin sa ating kaso.

Ang kasong ito ay tungkol kay Jenny na isang 33-anyos na titser sa hayskul sa probinsiya. Marami siyang manliligaw sa eskuwelahan dahil maganda siya at kaakit-akit bukod pa sa matalino.

Isa sa manliligaw ni Jenny ay si Kay na 10 taong mas bata sa kanya at noon ay nagtatrabaho bilang apprentice pilot para maging ganap na piloto. 

Hindi nagtagal ay nagkasundo silang magpakasal. Bi­nitawan ni Jenny ang trabaho niya bilang guro para maging ahente ng insurance.

Samantala, isang gabi na nanood sila ng sine ay nakalimot sila at nagtalik. Nabuntis si Jenny at sinabi kay Kay ang nangyari. Pinangako ni Kay na pakakasalan ang nobya.

Nanganak si Jenny sa isang pribadong klinika at pina­ngalanan ang sanggol na babae ng “Liza”. Malas naman ni Jenny at nagkagusto si Kay sa nakilalang magandang flight stewardess na katrabaho sa pinalilipad na eroplano.

Pagkatapos ng tatlong buwan, nagsampa ng reklamo si Jenny laban kay Kay para humingi ng suportang pinansyal para sa anak na si Liza at tuloy ay naghabol na rin siya ng moral damages sa ginawang pagtalikod ni Kay sa pangakong pakakasalan siya. Inamin ni Kay na siya ang tatay ni Liza pero todo tanggi siya sa pangako na kasal kay Jenny.

(Itutuloy)

vuukle comment

BUNTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with