^

PSN Opinyon

Mag-appoint na ng bagong PNP chief

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SINO kaya ang napupusuan ni Pres. Rodrigo Duterte na maging hepe ng Philippine National Police (PNP)? Habang tumatagal, may mga haka-haka na Davao Boys ang ia-ap­point ni Duterte. Nasa kamay na ng Presidente kung sino ang itatalagang PNP chief. Kung nagkamali siya noon kay dating­ PNP chief Gen. Oscar Albayalde, dapat lang na hindi na siya sumemplang muli sa mga bumulong-bulong sa kanya.

Kung sabagay kuntento naman ang kapulisan sa pamamalakad ni PNP-officer-in charge Lt. Gen. Archie Gamboa, subalit mas magiging kampante sila kung may permanenteng PNP chief na. Kung si Vice President Leni Robredo ay simbilis ng kidlat na ini-appoint ni Duterte na maging drug czar, bakit hindi rin ganito kabilis magtalaga ng PNP chief.

Itinalaga ni Duterte noong nakaraang linggo si Robredo na co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Hindi nagpatumpik-tumpik si Robredo at tinanggap ang puwesto. Agad niyang pinulong ang mga ahensiya upang makakuha ng mga impormasyon na gigiya sa kanyang trabaho. Hindi naman kuntento ang ilang maka-Duterte kaya pawang negatibo ang tingin kay Robredo.

Hinimok ni PDEA Director General Aaron Aquino si Rob­redo na sumama sa drug operation para masaksihan ang trabaho ng mga operatiba. Nagpahayag kasi si Robredo na dapat walang mamamatay sa operasyon kontra droga. Tanong ng mga kritiko kay Robredo, maiiwasan bang magkamatayan gayong ang drug pushers ay mga armado at halang ang bituka. Kung magiging maganda naman ang resulta sa paghuli sa drug pushers, dapat lang suportahan si Robredo.

Sino nga kaya ang magiging hepe ng PNP? Magkakaroon pa kaya ng turned-over ceremony ngayong nagretiro na si Albayalde noong Nobyembre 8 pa. Huwag muna kayong kukurap. Abangan kung sino ang napupusuan ni Duterte na maging PNP chief.

* * *

Naubos na ang pasensiya ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang makita ang tambak ng basura na iniwan ng vendors sa Ilaya corner C.M. Recto kahapon ng umaga. Sa galit ni Isko, tuluyan nang hindi papayagang makapagtinda ang vendors sa lugar.

Iba palang magalit si Isko kapag hindi tumupad sa usapan. May katwiran naman si Isko na magalit, kasi nga kahit naghigpit siya sa vendors mula nang umupong mayor, binigyan pa rin niya ng pagkakataon na kumita ang mga ito. Pero inabuso ang kanyang kabutihan kaya tinuldukan na niya. Maging babala sana ito sa vendors.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with