^

PSN Opinyon

Sa wakas... bagong Manila Int’l Airport

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Itatayo sa loob ng apat na taon ang New Manila Inter­national Airport ‘di kalayuan sa pambansang capital.

Magkakaroon ito ng panimulang apat na runways, at may espasyo para sa dalawa pa, ‘di tulad ng iisa sa kasaluku­yang lumang paliparan.

Sa dulo ng bawat runway ay mga rapid entry-exit taxiways. Makakaya hanggang 240 na pag­lipad at paglapag ng eroplano kada minuto, kumpara sa 42 lang ngayon. Malulutas ang runway congestion na umaantala sa biyahe hindi lang sa pangunahing gateway ng bansa kundi pati sa mga karugtong na airports.

May 180 arrival at departure gates para sa 100 milyong pasahero­ kada taon. Modernong teknolohiya para sa ligtas at komportableng paliparan ang ikakabit. Bukod sa Luzon, magiging sentro ito ng kalakal sa Southeast Asia. Pagka-gawad ng gobyerno ng kontrata sa San Miguel Corp. nu’ng Agosto, nagreserba agad ang mga international airlines ng espasyo para sa pasahero, kargamento at check-in. Sumama rin ang mga kompanyang ground handling, flight catering, at pagmentena.

Ang katayuan ng paliparan ang unang impresyon ng biyahero sa destinasyon. Ani SMC president Ramon S. Ang, maipagmamalaki ng Pilipino ang New MIA. At walang gagastusin ang gobyerno. Ayos na ang mga banko at ka­sosyo na tutulong magtustos ng P735 bilyon ($14 bilyon) na konstruksiyon, dagdag ni Ang.

Dudugtong ang kalye at riles sa 2,600-ektaryang lupa sa Bulacan, hilaga ng Malabon-Navotas. Bagong daan sa gilid ng Manila Bay ang kokonekta sa Macapagal Bou­le­vard, Pasay-Parañaque, patungong Cavite Expressway. Isa pa ang patungong North Luzon Expressway, ikakabit sa South Luzon Expressway ng Skyway-3, gawa rin ng SMC na bubuksan sa Disyembre. May koneksiyon sa muling bubuhaying La Union-Legazpi railway, at ididiretso ang MRT-7 mula San Francisco del Monte, Bulacan, dadaan sa Quezon City-Valenzuela. May feeders mula Subic-Clark-Tarlac Expressway at MacArthur Highway. Sa wakas ... kaunlaran.

vuukle comment

NEW MANILA INTER­NATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with