^

PSN Opinyon

Suspendido na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PURO sinungaling. Ito ang pahayag ni Sen. Richard Gordon sa patuloy na pagdinig sa Senado hinggil sa pagbebenta nang maagang kalayaan sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA). Malinaw na nagsisinu­ngaling ang mga opisyal ng BuCor dahil burado na ang records ng kanilang tinawagan o kausap mula sa kani-kanilang telepono.

Sinita ni Gordon ang mga telepono nina Corrections Officer III Veronica Buño at Corrections Senior Insp. Mabel Bansil na parehong burado na ang mga naganap na tawag sa kanilang telepono. Sino ba ang gagawa niyan kundi ang may tinatago?

Mahirap nga namang paniwalaan na “kaugalian” lang daw nila ang magbura ng rekords sa kanilang telepono. Sigurado akong maraming may mga cell phone ang hindi ka­ugalian ang magbura ng mga rekord ng mga tinawagan o kausap sa telepono, maliban na lang kung may tinatago, halimbawa, numero ng babae sa cell phone ng lalaking may asawa. At nataon lang na burado ang rekords ng dalawang sumasailalim sa imbestigasyon? Siguro kailangang i-subpoena ang rekords na iyan, na kayang gawin naman ng mga telco. Siguraduhin lang na sa ilegal na pamamaraan.

Ayon naman kay dating BuCor director general at nga­yo’y senador Bato dela Rosa, bakit daw sila ang sisisihin sa nagaganap na gulo ngayon sa BuCor hinggil sa GCTA. Pinatutupad lang daw nila ang batas na nalikha noong nakaraang administrasyon.

Siyempre sisisihin niya ang nakaraang administrasyon. Ayon naman sa dating opisyal ng Department of Justice, malinaw na hindi kabilang ang mga nahatulan dahil sa “heinous crimes” sa GCTA, at lalong hindi palusot ang sinusunod lang ang gawain ng mga nakaraang administrasyon. Dapat alam ang batas dahil trabaho nila iyan. Malinaw na hindi nga alam ng mga director general ng BuCor ang batas.

Kaya naman sinuspende na ng Ombudsman ang 27 opisyal ng BuCor dahil sa gulong nagaganap sa GCTA. Anim na buwan ang kanilang pagkasuspende na walang sahod, at kakasuhan ng “grave misconduct, gross neglect of duty, and conduct prejudicial to the best interest of the service”. Kaya sa Ombudsman na lang magreklamo si Dela Rosa at doon ipaliwanag na sinundan lang nila ang kalakaran ng mga nakaraang administrasyon, kung nais niyang ipagtanggol ang mga opisyal ng BuCor.     

vuukle comment

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with