^

PSN Opinyon

Kawawang attorney

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

 (Huling bahagi)

INAKUSAHAN din ni Bella si Attorney Panero na nakumbinsi nito ang kanyang ina na si Lina na pumayag sa kanilang pakikipagrelasyon kapalit ng paghawak ng abogado sa mga kaso ng ina. Tuloy daw ay napilitan si Bella na makitulog sa bahay ng kaibigan para lang makatakas sa pagiging kabit ng abogado.

Ang reklamo ng disbarment ay ipinahawak sa Solicitor General para sa kaukulang imbestigasyon. Pero makalipas ang dalawang pagdinig ay hindi pa rin sumisipot si Bella. Kaya itinuloy na lang ng SolGen ang imbestigasyon nito.

Ang rekomendasyon ng SolGen ay ibasura ang kaso ng disbarment base sa nakalap na impormasyon ng Court of Appeals sa kaso ng libel na sinampa ni Eddie laban kay Attorney Panero. Partikular dito ang sumusunod:

l Ang hindi kinontrang testimonya ni Lina, nanay ni Bella na sinang-ayunan mismo ng kapatid ni Bella tungkol sa pagiging kabit at pakikipagrelasyon ni Bella kay Eddie at hindi kay Attorney Panero pati ang katotohanang hindi naman talaga gumawa ng hakbang si Attorney Panero para akitin at gawing kabit niya si Bella.

l Ang sulat ni Bella sa kanyang ina at mga kapatid kung saan inamin nito na nakikisama siya kay Eddie at hindi kay Attorney Panero at ipinahayag din sa sulat na nagsisisi na siya sa kanyang mga ginawa.

l Ang sunud-sunod na rebelasyon ni Bella sa kanyang sulat na inamin niya rin mismo sa kanyang testi­monya sa korte tungkol sa pagiging baliw ni Eddie, na hawak siya nito sa leeg at kontrolado siya. Katunayan nga raw, sa tindi ng kapangyarihan nito sa kanya ay hindi man lang niya makuhang makalabas ng sarili nilang bahay. 

Dahil sa mga ito kaya ibinasura ng Supreme Court ang kasong administratibo para sa disbarment ni Attorney Panero alinsunod sa rekomendasyon ng SolGen (Langbid vs. Tiangco, A.M. Case No. 1251, July 29, 1983).

vuukle comment

COURT OF APPEALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with