^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bansa, malulunod sa plastic na basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bansa, malulunod  sa plastic na basura

MARAMI na namang plastic na basura ang isinuka ng Manila Bay at namulaklak sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Daang truck na naman ng basurang plastic ang hahakutin at tila wala nang katapusan ang paulit-ulit na pagluluwa ng basura mula sa nagngangalit na Manila Bay. Kailan matatapos ang pagtatapon ng mga single-use plastic. Hindi lang tao ang napipinsala sa basurang plastic kundi pati mga isda.

Parami nang parami ang gumagamit ng plastic at wala namang nakakaisip ng paraan kung paano lilimitahan ang paggamit nito. Okey sana ang gamit na plastic subalit ang hindi okey ay ang mga ires­ponsableng gumagamit nito. Karamihan ay tapon na lang nang tapon pagkatapos gamitin. Hahantong ang basura sa estero o kanal, tatangayin sa dagat at doon na nagsisimula ang maraming problema.

Ang mga plastic ay kakainin ng mga isda kabilang ang balyena. Ngayong taon na ito, ilang balyena na ang sumadsad sa mga dalampasigan at namatay. Nang suriin kung ano ang ikinamatay ng mga ito, napag-alaman na dahil sa mga nakaing plastic na basura.

Noong nakaraang linggo, isang sperm whale na naman ang natagpuang patay sa dalampasigan sa Davao City. Ang balyena na tumitimbang ng 200 kilos. Nang biyakin ang tiyan, natagpuan sa bituka nito ang nylon rope at mga pira-pirasong plastic cups. Ang mga iyon ang nagbara sa bituka na hinihinalang dahilan ng pagkamatay ng balyena.

Noong nakaraang Marso 15, isang balyena rin ang natagpuang patay sa Mabini, Compostela Valley. Nang suriin kung ano ang dahilan ng pagkamatay, napag-alaman na dahil sa mga kinaing plastic ng basura na tumitimbang ng 40 kilos. Nakita ang16 na empty bags ng bigas, 4 na banana plantation style bags, at iba’t ibang plastic shopping bags.

Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa sa Asia na maraming plastic na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia.

Sa Bangkok, Thailand ipinatutupad na ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bilang lalagyan ng mga gulay at iba pang grocery items. Sa halip na plastic, dahon ng saging ang ginagamit doon.

Kailangan ang isang batas na naglilimita sa paggamit ng plastic. Likhain sana ito ngayong 18th Congress. Dapat mabawasan ang mga plastic para mailigtas ang bansa sa pagkasira at ganundin sa pagkamatay ng mga isda kabilang na ang balyena.

vuukle comment

GARBAGE

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with