^

PSN Opinyon

‘Ang Probinsyano’, patok sa manonood

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

PASOK na naman sa kontrobersiya ang “Ang Probinsyano”. Konting pagkakamali lang ay swak na ito sa balita kasi nga ito ay isang sikat na teleserye na patuloy na namamayagpag sa TV. Malaki ang nahakot na pera ng ABS-CBN dahil sangkatutak na advertiser ang nakapila. Hindi magiba ng mga katapat na teleserye. ‘Yung iba sumusuko na ilang buwan pa lamang nasa ere. Pero ang “Ang Probinsyano” ay halos limang taon nang umeere sa tingin ko nga nauubusan na ng ideya.

Pero naka-strike two na sila sa Philippine National Police (PNP) dahil nagagamit ang kanilang mga kabaro sa nasabing teleserye. Hindi talaga maiiwasang wala sa eksena ang pulis mapasine man yan o teleserye dahil may parte yan sa buhay ng isang tao. Mapait nga lang sa panlasa ng PNP ang papel nila sa “Ang Probinsyano”. Nung una hindi nila nagustuhan ang parte ng mga general at ngayon ang mga babaing pulis naman na kinidnap ng isang grupo at kanilang minolestiya. Pinasama umano ng teleserye ang imahe ng pulisya.

Mahilig ding manood ng teleseryeng ito ang mga tao rito sa aking bahay. Di nila pinalalampas ang “Ang Probinsyano” tulad ng ibang tumatangkilik dito. Malakas ang hatak lalo na sa mga probinsya, ginagawa nila itong panghimagas matapos kumain ng hapunan. At tanungin mo ang mga bata ngayon kung anong gusto nila paglaki at karamihan, ang isasagot ay pulis. Maraming bata ang umiidolo sa mga pulis kaya dapat habang sila’y lumalaki, magandang imahe ng pulisya ang kanilang nasusubaybayan upang sa gayon, hindi maiwaglit sa kanilang isipan ang kanilang pangarap.

Inaalat ngayon ang “Ang Probinsyano” mapa-teleserye man o party-list. Maging karapat-dapat sana kayong modelo sa mga kabataan.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with