^

PSN Opinyon

Si Sta. Cruz, Laguna RTC Judge Allan Samoza Hilbero, bow

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BINABATI ng Chief Kuwago, mga brethren from Sierra Madre Masonic Lodge #181, mga grade school at high school batchmates, kapamilya at mga kapuso si newly appointed Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court 176 Judge Allan Samoza Hilbero sa pagkakatalaga sa kanya.

Kurtina ng mga korap NAIA-BI, itinaas sa NAIA-T3

BINUKSAN na pala ang kurtina para sa ‘human smuggling operation’ sa NAIA Terminal 3, noon pa palang Sabado (July 6), matapos magbaba ng utos si Timmy Barizo, ang overall head ng BI-TCEU, na hulihin ang mga kamoteng nakikipagsabwatan sa human trafficking.

Sabi nga, wala siyang sasantuhin at sisinuhin!

Ano ang nangyari?

Sagot - Wala?

Ang kuento ng mga taga-visa readers sa ilang airlines sa NAIA T3, may mga korap from NAIA-Bureau of Immigration sa nasabing terminal ang nagtatalunan dahil tuwang-tuwa sa galak ang mga ito porke paldo na naman ang kanilang mga bulsa dahil sa ‘inaugural opening’ last week.

Sabi nga, happy days are here again!

Ibinulong ng mga asset sa mga kuwago ng ORA MISMO, naging maganda ang usapan ng mga ahente sa labas ng airport na nagbibigay ng kanilang mga pasahero going abroad dahil may problema ang mga dokumento ng mga ito.

Bakit?

Sagot - Kaliwaan ang bayaran mula pa last week sa mga kurap BI personnel na namamasahero sa NAIA T3. Ano kaya ang masasabi dito ni Mr. Aton Lopez, BI-TCEU NAIA T3 terminal head?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang grupo ng isang alyas Ate ‘kuwerdas’ ang pumapalo sa mga passports ng mga pasahero ng mga kamoteng ahente at isang alyas ‘jelly, jelly fish’ ang siyang naghahatid. 

Samantala, si alyas ‘misa paldo sia’ ang pinagpapaalaman o taga-kamada sa mga pasaherong itinatawag ng mga kasangga nilang mga ahente at maging ng mga kurap BI.

‘Kung totoo ang bulung-bulungan, ano kaya ang ginagawa ng mga bataan ni Aton sa T3 regarding sa mga diumano›y pinalulusot na pasahero?’ tanong ng kuwagong binubukulan. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago na visa readers, mukhang bantay salakay diumano ang mga TCEU sa nangyayaring pamamasahero ng mga kurap BI sa nasabing terminal?  Paging NAIA-NBI!

Bulag, pipi at bingi kaya sila?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago, may bagong usapan para hindi mag-away-away ulit sa airport at magsiraan.

Ano iyon?

Sagot - Pumayag ang mga agents ng human smuggling na kaliwaan ang bayaran para walang lamangan.

Ika nga, bukulan!

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwagong visa readers, ang eroplanong sinasakyan ay ang Cathay Pacific CX-901, na umaalis sa NAIA ng bandang 11:30 am, Cebu Pacific 5J-014, umaalis sa NAIA T3 ng 4:20pm at ang Emirates na aalis naman sa airport ng gabi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago na visa readers, tinatayang aabot sa P5 million ang kuartang nalikom ng mga namamasahero sa airport simula pa noong nakaraang July 6.

Kung papaano ang hatian at kita ng mga ahente?

Abangan.

Secret dealing sa DOTr?

NAGSUMBONG sa Office of the Ombudsman ang isang Kamote na ayaw ipabanggit ang pangalan para sa sarili nitong kaligtasan para inguso ang mga gawain ng mga diumano’y korap DOTr officials at ang mga kasangga nilang kumpanya sa emission testing?

Ayon sa sumbong, may mga order na revocation of licenses daw sa mga nahuhuling nandadayang mga emission testing companies dahil malimit nilang lokohin ang pamahalaan dahil hindi naman nila dinadala ang kanilang mga sasakyan para sa emission test kundi ang karamihan ay ‘non appearance’ ang istilo ng mga ogag.

Sa nangyayaring lagayan blues sa nasabing ahensiya ng gobierno ang revocation order ay nagre-reverse ang kaso dahil sa kuartang ibinigay ng mga kumpanyang nandadaya.

Maraming kumpanya diumano ang gumagawa nito at sinasalo ng mga kurap na opisyal dyan sa PTEC at FRS kaya nagreklamo sa Ombudsman ang asset natin para mabusisi ang nangyayari.

Pinangalanan nila ang dalawang opisyal sa DOTr na nakatalaga sa PTEC at FRS sa Office of the Ombudsman na sina alyas Fred at Cris?

Ano sa palagay ninyo?

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan.

vuukle comment

HUMAN SMUGGLING OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with