^

PSN Opinyon

Ayaw kay Rep. Velasco

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGPALAGAN matapos magkaisa ang tatlong partido pulitikal at idiniin na hindi nila inindorso ang speakership bid ni Cong. Lord Allan Velasco.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pumalag ay ang PDP-Laban na partido mismo ni Velasco, ang Partylist Coalition at ang Nationalist People’s Coalition o NPC.

May mga ‘denial statements’ ang bawat partido matapos ipa­labas ng kampo ni Velasco ang kopya ng multi-party manifest of support para sa kanyang kandidatura.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin, wala pang pinagkasunduan ang 54 partylist solons kung sino ang susuportahang speaker. 

Kung pumirma man daw ang kanilang pinuno na si Rep. Mikee Romero sa manifesto, ito ay kanya lamang sariling desisyon at hindi ng buong partylist coalition dahil kailangan pa nilang magpulong tungkol dito.

Hindi rin pinalampas ni Kalusugan partylist Rep. Mike Defensor ang ginawang pagpirma ni Romero sa manifesto. 

Banat ni Defensor, unfair sa ibang partylist solons na sabihin ni Romero na si Velasco ang kanilang inindorso.

Naku ha!

Naiinggit pa? Hehehe!

Maging si Senate President Tito Sotto ng NPC ay nasorpresa sa lumabas na manifesto at sinabing wala pang desisyon ang partihan nila, este mali, partido pala tungkol sa speakership. 

Sabi nga, sariling desisyon lang daw ng dalawang NPC solons ang pagpirma sa manifesto at hindi ng buong NPC dahil patuloy pa ang kanilang konsultasyon kung sino ang susuportahang speaker.

Inamin naman ni Albay Rep. Joey Salceda na walang gina­wang konsultasyon sa mga miyembro ng PDP-Laban bago nagsalita ni Sen. Pacman importante na hindi lamang ang mga lider ng PDP-Laban ang magdesisyon kundi buong partido at lahat ng miyembro nito.

Birada ni Davao Rep. Pantaleon Alvarez ang ginawa ni Pacquiao dahil hindi nasunod ang kasunduan na hihintayin nila ang desisyon ni PRRD kahit sinabi nitong ayaw na niyang makialam sa usapin.

‘Makuha kaya ni Velasco ang Speakership?’ tanong ng kuwagong patanga-tanga?

Palagay ko, makukuha ni Velasco ang gusto niya!

Abangan.

* * *

Dennis ‘pisngi’ umarangkada sa NAIA T2

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO­, na bumabandera sa unahan si alyas Dennis ‘pisngi’ sa pagsalubong sa mga Chinese nationals from China.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pinasasalubong na intsik ni alyas Dennis ‘pisngi’ ay ang mga TNT sa Philippines my Philippines bukod sa hindi na ito babalik sa China. Sila pa iyong mga intsik na magta-trabaho sa mga online games.

Sabi nga, ang mga ito ang mga illegal workers sa PH!

Kasama ni Pisngi sa kagaguhan niya ay si alyas Boy addict.

Kapos ang column ng Chief Kuwago!

Abangan.

vuukle comment

HOUSE SPEAKERSHIP RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with