^

PSN Opinyon

Kawawa naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAWAWA naman talaga ang “Recto Bank 22”. Ngayon, si Senate President Tito Sotto ang nagpapahayag na hindi naman lumubog ang F/B Gem-Ver 1 nang “daplisan” ng barko ng China. Batay daw sa maliit na danyos na nangyari sa nasabing bangka, hindi raw ito lumubog. Siguradong-sigurado si Sotto sa kanyang pahayag na sinasang-ayunan pa raw ng eksperto sa coast guard. Kung ganun, ano pala ang ginagawa ng 22 mangingisdang natagpuan ng barkong pangisda ng Vietnam na nakakapit sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bangka na lumubog na? Sinunga­ling ba ang kapitan at mga tripulante ng Vietnamese vessel sa kanilang mga pahayag na nanginginig sa ginaw ang mga mangingisda nang masagip sila? Kung hindi lumubog, bakit naghanap ang dalawang mangingisda ng tulong? Hindi ba’t pinasalamatan na ni President Duterte ang Vietnam para sa kanilang tulong sa mga mangingisda natin? At may mga litrato si Agriculture Sec. Piñol na lubog nga ang Gem-Ver 1. Photoshop lang ba ang ipinakita sa media?

Sa tingin ko kailangan nang magsalita ng mga mangi­ngisda na walang katabing sinumang opisyal ng gobyerno at pulis at sabihin ang totoong nangyari. Naaawa ako sa kanila dahil sa kabila ng kanilang sinapit, pinagdududahan pa ang kanilang mga pahayag. Siguradong pagod na pagod na sila magbigay ng pahayag na baka kontra sa nais ng administrasyong ito. Hindi ako magtataka na sa kalaunan ay kasalanan pa nila tulad ng ipinapahiwatig ni Sotto na baka hindi nakabukas ang kanilang ilaw kaya hindi nakita at nabangga ng barko ng China. Tandaan na sila ang nakahinto nang banggain, kaya mas may responsibilidad ang kapitan ng Chinese vessel.

Lahat na lang iniisip para maabsuwelto ang barko ng China, na ang masamang ginawa ay iwanan sila sa karagatan. Ito ang dapat pag-usapan, hindi kung sinadya o hindi ang pagbangga sa kanila, o kung nakabukas ang kanilang ilaw o hindi. Kung matutuloy ang sabay na imbestigasyon ng bansa at China, baka mas lalong iiwasan ang isyung ito. Baka kung anu-anong kuwento o kathang-isip ang ipahayag kung bakit nila iniwan na lang. Hindi na nga bumenta ang sinasabing pito o walong barko ng Pilipinas na pinaligiran daw sila.

vuukle comment

F/B GEM-VER 1

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with