^

PSN Opinyon

Pinakamataas ang sahod ng Secretary of Science

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAGALAK na ang Secretary of Science and Techno­logy ang may pinakamataas na kita sa Cabinet ng Presidente. Ang kinita nito nu’ng 2018 ay P4.138 milyon, ayon sa Commission on Audit. Kabilang du’n ang P2,378 basic salary, P24,000 na honorarium, P888,768 na allowances, P496,463 na bonuses, P336,000 na discretionary funds at miscellaneous expenses, at P14,432 na dagdag sa sahod noon pang naunang mga taon. Nu’ng 2017 ang Secretary of Science din ang No. 1 sa COA Report on Salaries and Allowances (ROSA), sa kinitang P3.292 milyon.

Kung mataas ang kita ng Secretary, natural gan’un din sa subordinates niya. At kung gan’un kataas magpasuweldo sa scientist sa gobyerno, maaasahang mataas din ang sa pribadong kumpanya.

Mahalagang pasuwelduhin nang malaki ang scientists. Sila ang nagpapaandar ng mundo. Mga imbensiyon at inobasyon, kaalaman at karanasan nila ang nagsusulong ng teknolohiya. Dahil sa kanila, lumulusog ang mamamayan at lumilinis ang kapaligiran. Napaparami at napapamura ang pagkain, damit, pabahay, transportasyon, komunikas­yon, at libangan. Napapatalino at nagkakatrabaho ang tao, napapagaan ang buhay. Natatahimik ang komunidad at ang bansa.

Matagal nang nasuri na pinakamatataas ang sahod ng scientists sa America at Europe. Sila kasi ang inaasahan ng mga kumpanya para sa tubo, at ng gobyerno para sa galing ng serbisyo. Ehemplo ng una ang pharmaceutical industry; chemists, physicists, biologists, botanists, at me­dical doctors ang nakakagawa ng mga bagong gamot at procedures na ikinabubuhay ng mga higanteng kumpanya. Ehemplo ng ikalawa ang serbisyo sa tubig at kuryente; mga enhinyero ang bumubuo ng produkto at proseso na nagpapalago ng power plants at waterworks. Pangalawa sa laki ng kita sa Kanluran ang mga negosyante. Isama ang mga sundalo kung bibilangin ang paaral, pabahay, pakain, pensiyon, at palibing. Tumutulad na sa kanila ang China, Japan, at Australia.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

SECRETARY OF SCIENCE AND TECHNO­LOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with