^

PSN Opinyon

Tinodas dahil sa mana (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ipinagtanggol lang ng isang tao ang kanyang sarili ay wala siyang pananagutan sa batas. Ito ang tinatawag natin na self-defense sa ilalim ng Art. 11 ng Revised Penal Code. Pero kailangan muna na patunayan na walang pa­nanagutan ang taong sangkot. Tatalakayin din natin ang treachery o kataksilan na nagpapabigat ng kaso kaya mula homicide ay nagiging murder ang krimen. Kung nasabihan na agad ang biktima sa panganib ay masasabi pa kayang may sangkot na treachery sa kaso?

Ang kasong ito ay tungkol sa ayaw ng pamilya sa pa­gi­tan ni Mariel at ng kanyang nakatatandang kapatid, ang 71-anyos na si Dante. Ayaw ibigay ng kuya niya ang legal na mana ni Mariel sa lupang minana nila sa magulang, ang mismong compound na kinatitirikan ng kanilang mga bahay. May dalawang anak na lalaki si Mariel. Sina Migs at Kiko na alam ang tungkol sa masamang dugo sa pagitan ng magkapatid. Natatakot sila sa mapang-abuso at ‘di-makatarungan na pagtrato ng tiyuhin sa kanilang ina.

Nangyari ang trahedya isang hapon at naging resulta nito ay ang pagkamatay ni Dante. Nang dumating ang mga pulis upang magsagawa ng imbestigasyon ay sumuko si Migs sa barangay at kusang inamin ang pagkapatay niya sa tiyuhin. Nakasuhan siya ng murder dahil sa ginawa niyang pagsaksak kay Dante na nagbunga sa pagkamatay ng lalaki. Ayon sa prosekusyon, layunin ng akusado na patayin ang biktima at may treachery o kataksilan na sangkot sa kanyang ginawa. Sa paglilitis ng kaso, magkaiba ang bersyon ng prosekusyon at  depensa.

Ang unang testigo ng prosekusyon ay si Natividad na asawa ni Dante at nagkataon na naroon nang nangyari ang pagpatay. Pinatunayan ni Natividad na noong hapon na iyon ay biglang dumating sa kanilang bahay si Migs at hinahanap si Dante. Nagulat daw siya sa pagdating ng binata at tinanong niya kung ano ang sadya nito pero imbes na sumagot ay dumiretso sa kuwarto ni Dante ang akusado. Nakita daw niya na armado ng patalim si Migs at sumigaw siya para balaan ang asawa pero habang nasa aktong sinasarado ang pinto ay nakuhang saksakin sa leeg at kanang dibdib ni Migs ang kanyang asawa sabay sabing papatayin niya ang biktima. Sinubukan daw pigilan ni Natividad si Migs pero itinulak lang siya nito at nasaksak pa sa kanang pulso at sa noo. Sa kabila raw ng kanyang pagmamakaawa ay patuloy na pinagsasaksak ni Migs si Dante. (Itutuloy)

vuukle comment

REVISED PENAL CODE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with