^

PSN Opinyon

Nasaan ang pondo ng Malabon City?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAMAMAYAN ang “boss” ng lahat ng hinalal o inappoint na public servant, lalo na ang mga Alkalde. Dapat silang mag-report sa bayan, lalo na sa mga bagay sa panana­lapi. Noong taong 2012, ang Malabon ay may tagilid na financial report, ayon mismo sa Commission on Audit (COA). Taliwas ito sa nakuhang seal of good housekeeping ng lungsod na nagsasabing pasado ito sa mga  performance indicators ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Kasama riyan ang financial administration, paghahanda sa mga sakuna o bagyo, batayang proteksyon, kapayapaan at kaayusan, business friendliness at competitiveness, environmental management, turismo, kultura at sining. 

Pantawag pansin ito kay Malabon Mayor Len-Len Oreta­. Nagtatanong lang tayo. Anang audit report, ang pondo ng lungsod sa General Fund and Special Education Fund (SEF) sa taong 2012 ay P1.181 bilyon at ang nako­lektang income ay P916.84 milyon lamang. Heto ang mga posibleng mga rason:

Cash advances na umabot sa P41.818 milyon na hindi na-liquidate nang maayos. Ang accounts ng asset, gastos, at equity ay hindi na tinanggap dahil mahigpit na ipinatutupad ng accountable officers ng lungsod na kaagad ayusin at isumite ang nasabing cash advances na may liquidation statements o refund;

Pangalawa, ang karagdagang allowances na nagka­kahalaga ng P22.541 milyong ibinayad sa mga pampublikong guro sa elementarya at sekondarya ay kinuha sa SEF sa halip na sa General Fund. Hindi dapat bawasan ang SEF na nakalaan lang sa operasyon at maintenance ng mga public schools;

Ang paggamit ng P10 milyon na Education Fund ayon sa Section 10 ng Republic Act No. 9019 ay hindi alinsunod sa tamang paggamit ng pondo dahil ito ay nagamit sa pagbili ng personal na pangangailangan at school supplies. 

Ang mga gamit sa mga paaralan ay dapat kasama sa paghahanda ng budget kalakip ang rekomendasyon ng iba’t ibang programa, na mula sa mga local school board. Ito ay upang masigurado ang pag­sasaayos ng mga classroom, pagbibigay ng libro, at pagbili ng mga kagamitan. Anyare? Ang mga disbursements, koleksyon, at iba pa na nagkakahalaga ng P561.998 at P464.886 milyon na hindi na natukoy dahil sa mga hindi naisumiteng accounts mula Hulyo hanggang Disyembre taong 2012, saan napunta? 

Ang accuracy at validity ng Property, Plant and Equipment (PPE) account ay hindi rin matukoy dahil sa pagkakaiba ng libro at ulat sa Physical Count of Property, Plant and Equipment (RPCPPE) na balanse na nasa P51.238 milyon. Tanong: Bakit tila hindi magtugma ang mga ito?

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with