^

PSN Opinyon

House Speaker, sino kaya?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TATLONG umuugong na names sa politics ang magla-laban para pumalit kay House Speaker GMA pagbaba nito sa Kamara sa June dahil iiwanan na nito ang kanyang trono kaya naman pag-aagawan na ito.

Sabi nga, kung sino ang malakas at babasbasan ni Boss Digong siya ang hihirangin ‘Speaker!’

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, mga pangalan nina  Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Rep. Lord Allan Velasco at former Rep. Martin Romualdez, ang neck to neck para maging Speaker of the House.

Sino sa palagay ninyo?

Sinasabing si Cayetano ang pinakakwalipikado pagda-ting sa pagiging mambabatas at Speaker.? 

Bakit?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagkatapos maging kongresista, nanalo itong Senador at naging DFA Secretary.

 May 43 bills na naifile si Cayetano, anim dito ang naging batas.

Sabi nga, ang Public Employment Service Office o PESO,  Act, Granting Additional Compensation In Form of Special Allowances for Justices, Judges and All other Positions in the Judiciary, Anti-Money Laundering Act of 2001, The Overseas Absentee Voting Act of 2003, An Act Governing the Establishment, Operations and Regulation of Lending Companies, An Act To Strengthen The University of The Philippines As National University, Anti-Camcording Act of 2010, Expanded Senior Citizens Act of 2010, Strengthening of the Magna Carta for PWDs, and An Act Providing for Mandatory Basic Immunization Services For Infants and Children, and the Domestic Workers Act o Kasambahay Law. 

Walang gaanong nalalaman sa mga nagawa ni Martin Romualdez sa Kongreso. Dati siyang three-term congressman ng Leyte at kasalukuyang president ng Philippine Cons­titution Association. Miyembro siya ng iba’t ibang komite sa Kamara at naging Minority Leader. Tumakbo siya at natalo sa pagka-senador noong 2016.  

Isa siya sa naging biktima ng super typhoon Yolanda na tumulong ng masalanta ang Leyte. Nang igoogle ang pangalan niya, lumabas na siya pala ang nagbayad ng $20,000 na bill sa hapunan nina Pangulong Arroyo at mga kasama nito noong nagpunta sila sa New York marami ng taon ang nakalipas. 

Si Lord Allan Velasco, ay nag-practice ng pagka-abugado sa opisina ng kanyang  erpat na si dating Associate Justice  Presbitero Velasco Jr.  sa Korte Suprema. Dati ring provincial administrator ng  Marinduque si Velasco at naging chapter president ng  Integrated Bar of the Philippines ng lalawigan. 

Muntik ng hindi maproklamang congressman si Velasco ng second term na niya dahil natalo siya kay Regina Ongsiako-Reyes noong 2013. Inilaban ni Velasco ito at hinayag na si Reyes ay isang  American citizen. 

Ika nga, pumanig ang Comelec at Korte Suprema sa kaso ni Velasco kaya siya ay naproklamang kongresista noong February 2016.  

Si Velasco ang  chairman ng House Committee on Ener­gy, Oversight Committee of Solid Waste Management Act at Co-Chairman of Joint Congressional Power Commission. 

Sino sa tatlo ang karapat-dapat? Abangan.

vuukle comment

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with