^

PSN Opinyon

Black propaganda season

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MASYADONG ibinibitin ang pangakong paglalantad ng narco list ng pamahalaan para malaman ng taumbayan kung sinu-sino sa mga kandidato sa midterm elections ang sangkot sa pangangalakal ng droga.

Mabuti iyan pero may isang posibilidad ako’ng pina­nga­ngambahan. Baka gamitin ito bilang instrumento ng pani­nira sa mga kandidatong malakas ang hatak sa pub­liko. Tama naman ang sinabi ng Department of Interior and Local Goverments (DILG). Dapat balaan ang mga botante sa pagboto sa  mga drug personalities. 

Pero papaano kung ang akusasyon ay gawa-gawa lang?

Ang black propaganda ay laging nangyayari lalo na sa panahon ng eleksyon kaya dapat maging mapanuri ang taumbayan sa pagkilatis kung ang mga akusasyon sa sino mang kandidato ay totoo o fabricated.

Kung may mga politicians na sangkot sa droga, ma­aga pa’y ipagharap na ng demanda nang sa gayo’y ma­­batid ng mamamayan ang mga kandidatong dapat pa­ngi­lagan. At kung siya’y ipagsasakdal, tiyaking may ma­ti­­tibay na ebidensya at hindi lang pawang affidavit na mula sa mga bayarang testigo.

Nang ako ay editor pa ng pahayagang ito, may mga lumalapit na may bitbit na press release tungkol sa ilang opisyal na inireklamo ng graft sa Ombudsman. Kare-receive lang ng reklamo sa Ombudsman, Ibig nang ipa-release? Swak sa basura ang ganitong mga pr dahil obvious na demolition job.

Kapag may promulgasyon nang isinampa sa Korte tungkol sa kaso at ang sangkot na personalidad at kila­lang­ opisyal, dun pa lang puwedeng ibalita sa media ang pangyayari at kung maaari ay kunin ang panig ng isinakdal. Maraming tamang paraan para mabatid ng tao ang katotohanan. Sana, dumuon lang tayo sa tama.

vuukle comment

BLACK PROPAGANDA SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with