^

PSN Opinyon

Anong nangyari?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INUTUSAN ng DOJ ang Bureau of Corrections (BuCor) at NBI na imbestigahan ang illegal drug operation ng isang bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP). Nadiskubre na isang drug syndicate sa Cebu ay pinatatakbo umano ni Rustico Ygot, isang bilanggo sa NBP. Nakakulong sa NBP si Ygot pero may pinatatakbong negosyong droga sa Cebu.

Akala ko ba wala nang ganyang droga nang maupo si dating PNP chief Ronald dela Rosa bilang director ng NBP? Mga nakakatakot na babala sa mga drug lord na magpapatuloy ng aktibidad sa loob ng bilangguan. Kung ganun, wala rin palang nangyari nang maupo siya? O nakapagsimula muli ng “negosyo” si Ygot dahil may bagong nakaupo na sa BuCor? At sino ang director ngayon ng BuCor? Walang iba kundi si Nicanor Faeldon, ang dating­ namuno sa Bureau of Customs nang malusutan ng bilyong halaga ng shabu sa loob ng magnetic lifters. Nakalabas na ng Customs ang droga at nahuli sa isang bodega. Inabsuwelto siya roon. Ngayon, habang siya ang namumuno sa BuCor, may drug lord sa loob ng NBP na nagpapatakbo ng negosyo sa Cebu?

Nahulihan ng P190 milyon na halaga ng shabu ang nobya ni Ygot sa Cebu, kung saan nadiskubre na ang mga CCTV sa kanyang bahay ay napapanood ni Ygot mula sa kanyang selda sa NBP. Ganyan ka-high-tech nga­yon ang mga kriminal. Pero ang tanong ay paano nagkaroon ng internet si Ygot, at kung ano pang gadget para mabantayan nga ang bahay ng kanyang nobya sa Cebu? Hindi mapapanood ang CCTV kung walang internet gadget. Paano nabigyan si Ygot ng mga ‘yan?

At akala ko ba ang sinisisi para sa pagpapatakbo ng ilegal na droga sa NBP ay si Sen. Leila de Lima? Patung-patong na mga umano’y drug lord sa loob ng NBP ang tumestigo sa Senado laban sa kanya. Hindi ba dapat nang makulong si De Lima ay tumigil na ang droga sa NBP? Anong nangyari?

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with