^

PSN Opinyon

Debate mahalaga

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAHIT saang progresibong bansa, mahalaga ang debate ng mga kandidato para sa mga posisyon sa pamahalaan. Ito ang basehan ng mga botante para makilatis nang husto ang mga taong nararapat nilang piliin.

Ginagawa natin ito sa mga presidentiables lang. Dapat ding isalang sa ganitong balitaktakan ang mga tumatakbo para sa ibang puwesto. Diyan masusukat ng publiko kung sinong mga kandidato ang may wastong pananaw sa mga issue at tamang agenda para sa kaunlaran ng bansa.

Pero bakit maraming kandidato sa pagkasenador ang tumatanggi sa public debate? Ayaw kong isipin na takot silang mabuking ang kanilang kababawan o kasalatan sa dunong. Ngunit sa tingin ko’y wala na ngang ibang dahilan kundi yaon.

Hinahamon ng mga kandidato ng oposisyon sa isang public debate ang mga pambato ng administrasyon. Pero marami sa kanila ang ayaw tanggapin ang hamong ito. Mas mahalaga raw sa kanila ang mangampanya.

Siguro, kampante ang mga administration bet na mananalo dahil suportado sila ni Presidente Duterte. Marahil nga “in the bag” na ang kanilang panalo. Marahil lang.

Pero responsibilidad ng mga kandidato sa taumbayan na ilantad ang tunay nilang dunong at laman ng isip. Hindi ito magagawa sa pamamagitan lamang ng nakasulat na agenda at plataporma. Hindi ito magagawa sa pamama­gitan lamang ng diskurso na walang mag-uusisa sa kanila.

Kung plano nilang magtayo ng tore patungo sa buwan, dapat nilang patunayan na kaya nila itong gawin sa pamamagitan ng debate. Sana, sana lang, ginawang panuntunan ng COMELEC sa lahat ng kandidato na sumalang sa pampublikong debate. Kaso, kapos na raw sa oras ang COMELEC para mag-organisa ng debate ng mga pulitiko.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with