^

PSN Opinyon

Magkaisa sa paglaban sa ilegal na droga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKAAALARMA na ang problema ng droga sa bansa. Sunud-sunod na naglutangan ang mga bloke ng cocaine sa Caraga Region at CamSur. Mukhang deversionary tactic­ lamang ito ng sindikato upang linlangin ang Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police. Mukhang may mas malaki pang shipment ang sindikato na dapat na pagtuunan ng pansin ng Duterte admi­nistration sa hinaharap. Kaya hindi puwedeng patulog-tulog si PNP Maritme Group chief Supt. Rodel Jocson dahil ang ginagamit ngayon ng sindikato ay mga dalampasigan kakutsaba ang ilang mangingisda.

Inihayag ni dating PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa na lubha nang nakaaalarma ang problema ng droga sa bansa. Halos araw-araw ay may nasasakote ang mga awto­ridad na malaking volume ng droga at may napapatay na drug pusher pero ayaw paring tumigil ang mga miyembro ng sindikato. Noong Linggo ng umaga, nakakuha na naman ang mga pulis sa PRO13 ng 34 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P230 milyon sa karagatan na nakapaligid sa Surigao del Sur.  Noong nakaraang linggo, nakasabat din ng bloke-blokeng cocaine sa Quezon Province, Camarines Sur at iba pang panig ng bansa.

Ayon kay Bato, nakaaalarma ang ganitong balita, kaya naman lalo pang pinaiigting ng mga law enforcement agency ang kampanya sa droga na nais tuldukan ni President Duterte. Kamakailan lang, ang nursing student na si Ashley Abad, 19, ay namatay sa drug overdose. Anak siya ng maykayang pamilya kaya pati ang mga mayayaman ay ‘di na ligtas sa ilegal na droga. Noong isang linggo lang, dalawang Chinese ang nahulihan ng P275 milyon na halaga ng shabu sa Dasmarinas, Cavite. Mantakin n’yo, dalawang tao lang ‘yan ngunit ang hawak na shabu ay daang milyon ang halaga.

Ayon kay Bato, “Sabi ng iba, kung walang demand, ika nga, walang supply. Eh komo ayan ang supply na lumulutang sa kapaligiran natin, ibig sabihin may demand. Talagang kailangan na ng katuwang ang Presidente at PDEA, PNP at NBI sa laban kontra ilegal na droga.” Ayon pa sa dating PNP chief, kailangang magpasa ng mga batas na panlaban sa droga. Nais niya na ibalik ang parusang kamatayan sa mga drug pusher. Magugunita na si Bato ang isa sa mga pangunahing naglunsad ng giyera laban sa droga, pati na ang Oplan Katok, isa na siyang experto sa laban na ito. Huwag sana pahintulutan na isang araw halos lahat na ng kabataang Pilipino ay lulong na sa droga.

“Kailangang magkaisa ang lahat ng hanay at ahensiya ng gobyerno, at pati na ang buong sambayanan sa paglaban sa ilegal na droga. Hindi tayo puwede magningas-kugon sa kampanyang ito at lalo namang di puwede sumuko sa laban na ito,” sabi pa ni Bato. Malinaw na ang layunin ni Bato sa sambayanan ay mapuksa at maparusahan ang mga nagpapakalat ng droga.

vuukle comment

COCAINE

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with