^

PSN Opinyon

Huwag manghusga sa kapwa

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ISANG nakalulungkot na balita na naman tungkol sa mga pari ang bumulaga sa atin. Lugmok sa eskandalo ngayon ang Simbahang Katoliko dahil sa sunud-sunod na naglalabasan ang baho ng ilang mga pari dahil sa pangmomolestiya sa mga kabataan at ang iba ay menor de edad.

Ultimo si Pope Francis ay meron ding isang cardinal na tumiwalag sa samahan dahil nagkaroon ng kaso sa pagmomolestiya. Labag man ito sa kalooban ng Santo Papa na gawin ang ganitong hakbang sa kanyang kawal pero ito ang nararapat. Tanggalin ang mga anay na sumisira sa imahe ng simbahan bago tuluyang mawalan ng respeto ang sambayanan. Huwag ipagwalambahala ang ganitong uri ng problema ng simbahan dahil hindi magandang pakinggan ang ginagawa nilang pagmomolestiya sa kabataan.

Para sa akin walang pinagkaiba ang balitang ‘yan sa mga pulis na kotongero. Maliit na insidente at malaki pa rin ang respeto ko sa mga pari at pulis. Ang kasalanan ng iilan sa kanila ay huwag naman sanang idamay lahat dahil parte na ang mga ‘yan sa ating buhay. Si Mamang pulis ay nagpapalaganap ng kapayapaan at ang mga pari naman ay inilalapit tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mabuting balita sa Bibliya.

Sana maisip din natin ang mga positibo nilang ginagawa. Oo nga’t maraming tiwali pero mas marami  sa kanila ang may mabuting puso at maraming ginagawang kabutihan na hindi lumalabas sa mga balita.

Naalala ko tuloy ang kuwento ng isang bayarang babae. Ang sabi ni Hesus ang sinumang walang kasalanan, ipukol ang hawak n’yong bato sa kanya. At ang mga tao ay natauhan sa salita ng Diyos. Binitiwan ang hawak na mga bato at isa-isang nag-alisan. Isang magandang kasabihan dahil walang sinuman sa atin ang perpekto.

vuukle comment

CATHOLIC CHURCH

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with