^

PSN Opinyon

Sayang si Justice Antonio Carpio

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KUNG talino at tagal sa serbisyo ang pagbabasehan sa pagpili ng bagong Chief Justice swak sana sa puwesto si Justice Antonio Carpio. Sa maikling panunungkulan niya bilang acting Chief Justice, nakita ko ang kanyang pagiging independent sa Supreme Court. Matapang na pakikipaglaban sa mga pag-aari  nating karagatan na pilit inaangkin ng China. Diyan sila magkalihis ng paniniwala ni President Digong kaya tagilid kung siya ang piliing pinaka-mataas na pinuno ng Korte Suprema.

Ang ginawa ni Carpio ay para sa kapakanan nating lahat at sa mga susunod pang henerasyon. Kung sakaling siya ang napili 100% hindi niya titigilan ang pakikipaglaban sa China. Hindi naman sinabing daanin sa dahas kundi ang arbitration ruling para sa ating karapatan sa West Philippine Sea. Hindi sana tayo nakakaranas ng pambu-bully sa mga Intsik lalo na ang mga kababayan nating mangingisda.

Ayon sa kasabihan, “Always a bridegroom but never a groom”. Makikita natin sa mga susunod na araw kung paano magpapakitang gilas si bagong Chief Justice Lucas Bersamin. Maging totoo kaya ang sinabi niyang hindi siya magpapadikta kanino man? Sana nga! Maging neutral sa lahat ng magiging desisyon. Iwasang maging tuta ng gobyerno.

Kunsabagay ang bawat Presidente ay malayang namili ng kanyang makakasama sa trabaho. Kung maaalala n’yo si dating Pres. Noynoy Aquino ay nagtalaga ng unang babae at bagong mukhang pinuno ng Supreme Court. Ginagawa ng bawat Presidente ’yan dahil alam nila na kailangan parehas ang boto ng bawat isa at para maiwasan na rin ang bangayan.

Matunog ang pangalan ni Justice Lucas Bersamin dahil karamihan sa kanyang boto ay pabor sa gobyerno. Hindi nagkakalayo ang opinyon nila ni President Digong. ‘Yan ang nakikita ko, magkasundo sila sa lahat ng bagay.

vuukle comment

ANTONIO CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with