^

PSN Opinyon

Matagal na labanan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PALAGAY ko, mamamatay na tayo pati na ang susunod­ na henerasyon sa atin, hindi pa malulutas ang pag-aaga­wan ng mga bansa sa South China Sea o West Philippine Sea, partikular na ang namamagitan sa Pilipinas at China.

Kaya ang pinakamaiging alternatibo ay joint exploration and development sa naturang karagatan sa kapakinabangan ng mga bansang naghahabol sa teritoryo.

Siguro, marami sa ating mga Pinoy ang hindi kuntento sa ganyang kasunduan pero iyan lang ang sa tingin ko’y pinakalohikal na paraan para maiwasan ang pagsiklab ng isang digmaan. Delaying tactic wika nga. Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station, walumpung porsyento ng mga Pilipino ang nag­nanais na ipag­laban ng pamahalaan ang soberenya ng Pilipinas sa pina­g-aagawang teritoryo. Kasama ako sa may ganyang hangarin.

Ngunit ang estratehiyang ginagamit ng administras­yon ay iba sa nais nating mga mamamayan. Sa pag­tatapos kahapon ng dalawang araw na pagbisita ni Chinese President Xi Jinping, nagkasundo ang dala­wang bansa sa pagsasagawa ng magkasanib na eks­plorasyon sa pinagtatalunang karagatan para sa langis at petrolyo. Hindi kasama ang iba pang naghahabol na bansa sa kasunduang ito pero makabubuti kung lahat ay makakasama sa ganyang kasunduan.

Hindi man makapagbigay ng permanenteng kalu­tasan­, ang kasunduan ay makapipigil sa isang magastos at ma­pa­minsalang digmaan na sa palagay ko’y ayaw ng alin mang bansa sa daigdig ngayon.

Ang dapat lang, ang ano mang agramiyento ng Pili­pinas sa ibang bansa ay dapat umalinsunod sa isinasaad ng Konstitusyon, lalo na yung may kinalaman sa partihan­ ng kita na 60 porsyento sa Pilipinas at 40 porsyento sa kasosyong bansa. Tayo dapat ang nakalalamang.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with