^

PSN Opinyon

Drug test sa mga Grade 4 pupils up, aprubado na

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NEXT school year tiyak magkakaalaman na kung sinong  mga students ang gumagamit ng droga.

Sabi nga, adik,adik na bata pa?

Bakit?

May basbas ang CHED sa mga schools para itulak ang mandatory drug test sa lahat ng students na mag-eenrol para mag-aral!

Tama lang ang CHED dito para mamonitor ng mga school faculty at mga magulang ng mga students kung gumagamit ba o hindi ng droga ang kanilang mga anak.

Paano?

Ang resulta sa drug testing ang gauge para sa lahat ng students from Grade 4 pataas at kung may positive drug results sa kanila, tiyak obligadong makipag-usap ang magulang nila sa paaralan.

Sabi nga, para tanggapin.

Naku ha!

Maganda ito!

Walang magulang ang may gustong adik-adik ang kanilang anak kaya habang bata pa dapat nilang malaman ang ginagawa at galaw ng kanilang mga children sa school.

Dumarami kasi ngayon ang mga menor-de-edad na ginagamit ng mga pushers at tumitira na rin ng droga.

Siguro ang eskuelahan lang ang magsasabi sa magulang na positibo ang anak niya sa droga oras na na-drug test ito.

Dapat lang?

Kung halimbawa, positibo ang isang student sa droga, hindi ito maaaring patalsikin ng school. Ang dapat ay tawagin nila ang ermat/erpat ng bata at isumbong ang resulta ng drug testing sa bata.

Magiging secret ang usaping ito, hindi puedeng ipagkalat ang naging resulta ng drug test sa mga students.

Sabi nga, between parents and teachers lang ang usapan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung talagang seryoso ang gobierno sa mandatory drug test, dapat silang maglaan ng pondo para rito.

Abangan.

 EDSA-Kamuning footbridge ng MMDA, nakakatawa

KAPAG nagkaroon ng himala, mukhang makikita ng madlang people na aakyat sa super-taas na footbridge na proyekto ng MMDA si San Pedro habang hinihimas ang manok niya? Hehehe!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang matarik na footbridge ay pinondohan ng MMDA ng P10 million pero ang taas nito ay hindi biro.

Sabi nga, hahapuin ang aakyat dito at maaari pang malula?

Ika nga, stairway to heaven?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puede ito sa madlang elderly o ’yong may mga kapansanan tulad ng buntis, senior citizens, may alipunga na nagsusugat ang paa, PWD dahil problema para sa kanila ang pag-aakyat sa ‘stairway to heaven.’ 

Medyo nakakaalarma ito dahil baka mahulog pa ang mga malulula rito, laking problema pa.

Sana huwag naman!

Abangan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

STUDENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with