^

PSN Opinyon

Inflation nakapako sa 6.7 percent

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANO kaya ang maaasahan ni Juan dela Cruz sa pagsapit ng Pasko sa harap ng pagtaas sa halaga ng mga bilihin? Para sa administrasyon, tamang direksyon ang tinatahak ng pamahalaan laban sa pagtaas sa presyo ng bilihin. Sabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Sal Panelo, naging “steady” ang inflation sa 6.7 porsyento.

Ngunit  anang oposisyon, ang pagkapako sa 6.7 per­cent ng inflation rate sa bansa sa loob ng dalawang buwan­ ay nakababahala. Ito ay nahigitan ang pagtaya ng Bangko Sentral at Department of Finance na bababa ito sa 6.5%.

Maliliit na mamamayan ang apektado kapag nagsitaasan ang presyo ng mga paninda at serbisyo at naka­ba­bahala na ang presyo ng bigas na pangunahing kinakain ng mga Pilipino ay tumaas ng 10.7 porsyento nung nakalipas na buwan.

Tinitiyak ng mga economic experts na umaaksyon sila para  masolusyunan ang problema, pero kailan pa dadaloy ang ginhawa? Darating ang Pasko na pinaghahandaan ng ating mga kababayan. Gumagastos ang tao sa Christmas decoration at masasarap na pagkain, gayundin sa pagdagsa ng mga inaanak na obligadong bigyan natin ng aginaldo.

Nalulungkot daw si Senator Francis, isa pang proposal ang Pangilinan, porke may mungkahi ang opposition noong Septyembre na hindi binigyang pansin ng admi­nistrasyon. Kasama sa mga panukala ang: pagsuspinde sa excise tax sa petrolyo. Ang Bangko Sentral na mismo ang nagsabi noong October 25 sa isang hearing sa Senado na makakatulong sa pagbaba ang inflation kung isuspinde ang excise tax sa petrolyo.

Isa pang panukala ay ang pagrepaso sa unconditional­ cash transfer program upang tiyakin na makukuha ng mga benepisyaryo na  maaga at sapat ang tulong ng gobyerno lalo na ngayong magpa-pasko. Mismong DSWD ang nag-report na isang milyong pamilya pa ang hindi nabibigyan ng schedule para sa pay-out dahil mahirap makarating sa mga isolated o depressed areas. Sana’y masolusyunan ang problemang ito para maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with