^

PSN Opinyon

Ben Tulfo: Wala akong sinusuportahang political party!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAPAG sinabing Tulfo Bros., automatic na sina Erwin, Raffy at Ben lang ang tinutukoy. Wala nang iba. Naging pakete ang pa­ngalang Tulfo dahil sa programa naming mag-utol noon na T3.

Malaki ang papel na ginampanan ng T3, Tulfo Brothers. Naging tatak ito ng TV5 noon bilang aksiyon-agad public service program. Nagsanib puwersa kaming tatlong magkakapatid at bawat isa sa amin ay may personang ginampanan. May astig, may disente, at ‘yung isa, makulit na pero siga – yan ang papel ko, si BITAG noon.

Gustuhin ko man o hindi, napakete kaming Tulfo Brothers­ sa TV5 noon sa ngalan ng Public Service. Nawala sa ere ang T3 noong 2016 matapos ang limang taon nitong pana­natili sa ere sa TV5. Mahal ko ang mga kapatid kong si Raffy at si Erwin. Sige na, isama na rin natin ‘yung matandang Tulfo na si Mon dahil baka mabuwisit sa akin at kung anu-ano pa ang kanyang gawin.

Iisa ang adhikain naming tatlo, ang makatulong sa kapwa­ sa ngalan ng public service, subalit magkakaiba ang pamamaraan, magkakaiba ang estilo, magkakaiba ang prinsipyo’t paninindigan. Ang tagumpay ni Raffy ay kay Raffy at ang tagumpay ni Erwin ay kay Erwin. Ayaw kong napupuri ka­ming tatlo dahil sa ginawa ng isa sa’min. Generalized kumbaga ‘pag sinabing Tulfo Brothers.

Erwin has his own thing, same with Raffy. I have my own company and I have my own set of standards. Mali­naw ito sa lahat ng nagtatrabaho sa BITAG MULTIMEDIA NETWORK (BMN). Sa BMN,  ang public service ay walang halong pulitika. Ayaw naming mahanay at maiuri sa anumang political party partikular sa anumang party list.

Ako si Ben ay sumusuporta sa aking mga kapatid sa kanilang adhikain kung public service ang pag-uusapan. Pero kung may halong pulitika, ako’y tatalikod at didistansiya na ako. Ang media ay media, ang pulitika ay para sa mga pulitiko. Naniniwala ako sa nakasulat sa Bibliya, you cannot serve two masters at the same time. Either you will love the other or despise the other.

I don’t want to take credit with whatever Erwin and Raffy does and vice versa. Hindi  rin siguro patas na mas napupuri ang pangalang Tulfo Brothers sa mga ginagawa ng BITAG dahil meron kaming mga professional journalists at communication arts degree holders na bumubuo ng BMN. Kasama ko sila sa mga trabaho pagdating sa public service. We promised to be a political and stay that way. Tulad ko, ang mga emple­yado ng BMN, marami nang napakitang resulta sa larangan ng public service, investigative at anti-crime docu reality law enforcement program.

Its not fair sa BMN staff na ang napupuri ay Tulfo Brothers at hindi yung mga men and women of BMN. Nililinaw namin to, baka malito ang publiko. Again, wala kaming iniindorso, wala kaming sinusuportahang partido, partylist o sinumang pulitiko na tatakbo ngayong eleksiyon.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with