^

PSN Opinyon

Magbayad na kayo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ng Department of Energy na bayaran ng mga ahensiya ng gobierno ang kanilang P17 million utang sa mga electric cooperatives para naman ang serbisyo ng huli ay hindi makaapekto sa madlang public.

May mga utang daw pala sa 23 electric cooperatives ang mga ahensiya ng pamahalaan dahil hindi sila nagbabayad ng kuryente.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

OTS pumalag sa MIAA memo

UMALMA ang ilang ‘friskers’ na empleyado ng Office of the Trasportaion Security na nakatalaga sa NAIA Terminal 2 at 3 dahil hindi na sila papayagan mag-suot ng jacket at bawal na rin sa kanila ang may bulsa ang mga pantalon o suot na uniporme.

Nakasimangot ang mga tinamaan ng order dahil nagtataka sila kung bakit sila lamang sa Terminal 2 at 3 ang nilabasan ng kautusan.

Sabi nga, exempted ang mga taga - NAIA 1!

Bakit?

Sagot - mas malamig daw kasi sa terminal 1 kaysa terminal 2 at 3 kaya pinahintulutan ang mga OTS na magsuot ng mga jacket habang naka-duty sila.

Sabi ng isang reklamador, lahat naman ng terminal sa NAIA ay malamig dahil bago at malakas ang mga airconditioning units dito.

‘Kahit nakahubad ang isang OTS frisker basta may criminal instinct ito tiyak gagawa at gagawa ng katarantaduhan sa pasahero..’ dagdag pa ng reklamador.

Ano kaya ang mainam gawin sa memorandum na inilabas ng MIAA tungkol sa ‘no pocket at no jacket policy?’

Abangan.

Balasahan sa NAIA immigration

Sa unang linggo ng November ipatutupad ang isang malawakang rigodon sa mga tauhan ng  NAIA Bureau of Immigration Travel Control Enforcement Unit at mga ahente ng Boarder Control Intellegence Unit.

Sabi nga, hindi naman sila mag-iiyakan!

Ang rigodon ay alinsunod sa programa nina SOJ Menardo Guevarra at BI Commissioner Jaime Morente para maiwasan ang ‘familiarity’ sa NAIA terminals.

Ipatutupad ito ni Atty. Grifton Medina, bagong talagang hepe ng NAIA - BI port operation division na pumalit kay Marc Red Marinas, na kakandidatong alkalde sa Muntinlupa City 2019 midterm election.

Abangan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with