^

PSN Opinyon

Kilatising mabuti ang iboboto

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

WALA nang balakid, sa wakas tuluyan nang nalusaw ang agam-agam na hindi matutuloy ang 2019 election. Naglipana na naman ang mga epal na kandidato. Ang magkakamag-anak, magkakapatid at magkaibigan na nagbabanggaan. Naisip ko lang, mas importante pa sa mga pulitikong ito ang puwesto sa gobyerno kaysa sa magandang samahan ng bawat isa sa kanila. Kunsabagay ang iba riyan ay balewala na sa kanila ang lahat pagkatapos ng election pero madalas pang-forever ang galit ng bawat isa. Siyempre sa panahon ng kampanyahan hindi maiwasang maglalabasan ng baho ang mga pulitiko.

Ang hindi ko maintindihan sa mga pulitiko ay kung bakit kapit-tuko sila sa puwesto. Makapagsilbi man lang ng isa o dalawang termino sa taumbayan ay tama na ipaubaya naman sa iba ang pamumuno. Samantalang ang iba riyan ay namumuti na ang buhok dahil sa problemang iniwan ng nakaraang administrasyon. May iba pa kayang dahilan? Impluwensiya, puwede rin graft and corruption, ginagawang palabigasan ang pera ng bayan. Ang iba riyan pagtapos na ang termino sa kanilang pwesto ay tuloy ang pagkandidato sukdulan mas mababa ang puwestong tatakbuhan, wag lamang mabakante.

Unti-unti na nating nakikilala ang mga susunod na maglilingkod sa ating bayan may mga bagong mukha pero karamihan ay luma. Sa unang araw pa lamang ng pagsusumite ng COC sa Comelec may kanya-kanya na silang pasiklab. Pabonggahan at payabangan ika nga. Hindi pa man nag-uumpisa ang kampanyahan masyado nang mainit ang mga tagasuporta ng bawat isa. Nakikini-kinita ko na ultimo kaliit-liitang baho ng bawat pulitiko ay aalingasaw pagsapit ng kampanyahan.

Sa darating na Mayo 13, 2019, suriin nating mabuti ang ating mga kandidato upang hindi tayo magsisi sa bandang huli. Huwag tayong pasisilaw sa kanilang mga pera.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with