^

PSN Opinyon

Nakabawi agad si Tito Sotto

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG nakapuntos agad si Sen. Tito Sotto sa kanyang isinusulong na papanagutin na sa batas ang mga kabataang 13-anyos na sangkot sa krimen. Nabalewala ang sinabi niyang dapat daw palitan ang huling dalawang linya ng ating Pambansang Awit. Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Sotto sa madlang people. Sa dinami-rami ba naman kasi ng nagsusulputang problema sa bansa kung bakit napagtuunan pa ng pansin ang Pambansang Awit. Bakit hindi ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang pagtuunan ng pansin.

Gustong burahin ni Tito Sotto ang batas na ipinasa ni Kiko Pangilinan. At kung ito’y kanyang naipasa bawing-bawi na siya sa mga batikos na tinanggap niya. Nakalimutan agad ang pakikialam nya sa ating Pambansang Awit. Maraming sumuporta sa kanya sa bagong batas na isinusulong. Para sa akin ang 12-anyos ay puwede ng papanagutin sa batas kung mabigat ang krimen na nagawa. Ang mga ganitong edad ng kabataan sa ngayon ay malawak na ang kaisipan. Alam na nila kung ano ang tama at mali nilang gagawin kaya na nilang piliin kung dadaan ba sila sa matuwid o baluktot na daan sa kanilang buhay.

Maraming kabataang nasa ganitong edad ang napapariwara ang buhay ang iba sa kanila madalas nating makita sa lansangan sumisinghot ng rugby o solvent at paglumaon nakakagawa na sila ng hindi kanais-nais sa kanilang kapwa. Meron mga drug pusher, user, snatcher at holdaper sa ganitong gawain ng mga kabata­ang ito malalakas ang loob dahil sa sindikatong kumukupkop sa kanila.

Kasalanan ng magulang kung bakit nangyayari ang ganito sa kanilang mga anak. Kung sana naman ay dinala sila sa paaralan maraming libreng pag-aaral ngayon na proyekto ang gobyerno. Kaya hindi n’yo maikakatwiran ang kahirapan kaya hindi nakapag-aral ang inyong mga anak.

vuukle comment

VICENTE SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with