^

PSN Opinyon

Galing Mindanao

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

PARATING nilalait ng mga taga-Maynila o taga-Luzon o ng mga taga-National Capital Region na ang mga taga-Mindanao ay taga-bundok, taga-bukid at hindi edukado kasi nga probinsiyano. May mga pasaring pa nga sa accent na porke taga-Mindanao o taga-Visayas ay ang pangit nga raw ang pagsasalita ng Bisaya.

Paulit-ulit ang paninirang ito sa mga taga-Mindanao maging sa mga taga-Visayas din. Para namang hindi kami bahagi ng buong Pilipinas.

Siguro naman, natanto na rin ng mga taga-Luzon o maging ng mga taga-Maynila ang malaking kontribusyon ng Mindanao sa kapakanan ng ating mga kababayang nasa NCR lalo na kung ang pag-usapan ay ang ukol sa pagkain — sa supply ng gulay at prutas at maging anumang pagkain na produkto ng Mindanao.

Nitong linggong ito, ilang toneladang gulay at prutas ang nanggagaling sa Bukidnon upang magkaroon ng supply ang mga taga-Maynila sa murang halaga.

Kinikilala ang Mindanao na food basket ng Pilipinas dahil nga ito ay largely agriculture-based. Masagana ang ani rito sa Mindanao na puwedeng mag-supply sa mga taga-Luzon at pang-exports sa ibang bansa. Ngayon, patuloy pa rin ang pangungutya ng ilang sektor sa Bisaya accent namin dito sa katimugang bahagi ng bansa.

Alalahanin n’yo lang sana na ang “Bisayang Dako”, o “Probinsiyanong” inyong nilalait, kaming mga taga-Mindanao ay pinagkukunan n’yo ng supply ng pagkain. 

Kami rito sa Mindanao mabubuhay kami na walang Maynila o Luzon dahil nga sagana kami sa ani rito. Kayo kaya? Makakain n’yo ba ang inyong dila na magaling magsalita at may accent?

vuukle comment

MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with