^

PSN Opinyon

Mga rapist ang kapitbahay(Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Umapela pa rin hanggang Supreme Court sina Dindo at Junior. Nagkamali raw ang mababang hukuman na hatulan sila sa krimeng rape sa isang may kakulangan sa pag-iisip samantalang sa impormasyon ay rape na gamit ang dahas at pananakot ang kanilang kaso. Wala rin daw ekspertong nagpatunay na mababa ang kapa-sidad ng pag-iisip si Helena kaya paano masasabing may diperensiya sa pag-iisip ang babae.

Ayon sa SC, kahit pa walang ekspertong nagpatunay sa kapasidad ng pag-iisip ni Helena ay hindi na ito importante. Ang naging hatol ng korte ay ginawa nila ang krimen ng rape gamit ang dahas at pananakot at hindi ang rape ng isang babae na may pag-iisip na katumbas ang isang 12-anyos na bata. Para rin lang patunayan kung normal ang pag-iisip ni Helena, sapat na ang obserbasyon ng huwes na humatol sa kaso para mapag-aralan ang naging epekto o bigat ng pananakot at dahas ng dalawa kay Helena.

Napatunayan din ng SC na talagang ginahasa si He-lena base sa ginawang pagharang, paghatak pagpunta sa inabandonang bahay at pagtatanggal ng kanyang panty pati ang katotohanang parehong lasing sina Dindo at Junior. Sapat na ang dahas at pananakot na ginawa sa biktima lalo pa at mahina ang kanyang pag-iisip. Idagdag pa ang pasa o hematoma sa kaliwang hita ni Helena na isang matibay na indikasyon ng puwersang ginamit habang pinagsasamantalahan siya.

Ang puwersa sa rape ay depende sa edad, laki, at lakas ng mga sangkot. Iba-iba rin ang pamantayan sa pananakot o base sa pananaw at pag-iisip ng biktima. Kapag tulad ni Helena ang biktima, mas mababa ang antas ng dahas at pananakot ang kailangan kumpara sa isang normal na tao. Kaya kahit sabihin pa na kulang ang puwersa at pananakot na ginamit sa biktima kung naging isang normal na tao siya puwedeng sapat na ito kung ang biktima ay may diperensiya sa pag-iisip (People vs. Dumanon and Labrador, G.R. 123096, December 18, 2000).

vuukle comment

JOSE C. SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with