^

PSN Opinyon

Sibak na ang LTO Kotong Queen ng Tarlac!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man humahagupit ang Super Typhoon Ompong noong Biyernes ng hapon, hugot agad sa puwesto ang district head ng LTO Paniqui, Tarlac.

Matindi ang sapak ng bagyo kay Estela Nicolas nang agad siyang pinasibak sa puwesto matapos mapanood ang BITAG exclusive surveillance video ni DOTr Asec. Mark De Leon kasama si LTO Dir. Francis Almora sa LTO Central Office.

Noong Biyernes, nasa Tuguegarao, Cagayan si DOTr Sec. Art Tugade. Para sana kay Sec. Tugade ang mga serye ng BITAG exclusive extortion video ni Estela Nicolas. Nabulabog na, napahiya pa ang dalawang mataas na opisyal matapos iprisinta ng mga BITAG-KILOS PRONTO Investigative Team ang nasabing video.

Simbilis ng kidlat ang kanilang hatol, pinasibak agad. May duda ang dalawa, base sa mga pinag-aasta ni Nicolas na posibleng ito’y gumagamit ng droga. Marami silang nakitang paglabag ni Nicolas. Ang paninigarilyo sa loob ng LTO compound at maangas na panunumbat at pambabastos ni Nicolas sa mga nakikiusap na may-ari ng mga klinika kapag kinapos ang kanilang obligasyong butaw o kotong sa nasabing hepe.

Trending kasalukuyan sa YouTube ang video ni Nicolas, Part 1 at Part 2 na umabot na sa higit 600K views at higit 1K galit na mga komento ng netizens. Naglabasan din ang mga reklamo ng pangongotong ng mga sangay ng LTO sa iba’t ibang rehiyon at probinsiya pati ang reklamo­ sa mga fixer sa mga nabanggit na lugar.

Magsilbi sana itong panggising at dobleng bantay at listo sa ating Land Transportation Office (LTO) dahil talamak pa rin ang mga kotongerong kawani at fixer. 

Sa video na napanood sa BITAG Official YouTube TV, naglabasan din na marami sa ating mga kababayan ang ayaw maperwisyo sa kalbaryong proseso ng LTO kung kaya namayagpag din ang mga suholero. 

Kaya ang aming tanong, alin kayo sa mga ito -- koto­ngero o suholero?

Sa mga ganitong klaseng reklamo na estilong pangongotong sa anumang tanggapan, wag mag-atubiling lumapit sa BITAG-KILOS PRONTO!

vuukle comment

TYPHOON OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with