^

PSN Opinyon

Iwasan nang gumamit ng plastic

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MARAMI nang lugar sa bansa ang nagpapatupad ng pagbabawal sa paggamit ng plastic. Para sa akin dapat seryosohin ng mga local government unit (LGU) at mga barangay ang paghuli sa sinumang gumagamit ng plastic bags at mga styro products. Kung maaari sana, gamitan ng kamay na bakal lalung-lalo na rito sa Metro Manila. Kulang ang salitang “bawal” sa ating mga kababayan, kahit na nakakaranas na ng lampas taong baha sige pa rin sila sa pagtatapon ng plastics kahit saan. Maganda sana ang plastic dahil marami itong puwedeng paggamitan kaya lang kulang tayo sa disiplina ng mga tamang tapunan.

Kung maaalala n’yo nitong nagdaang buwan dina­anan tayo ng habagat. Nakaranas tayo nang matinding pagbaha dahil hindi nakadaloy ng maayos ang tubig ulan dahil nabarahan ng basura ang mga kanal. Gabundok na basura ang nakuha matapos ang baha at halos mga plastic ito. Sana naman, huwag ipagwalambahala ng mga mayor at barangay captain ang problema sa basura. Paigtingin n’yo ang panghuhuli sa mga nagtitinda­ ng supot na plastic sa inyong mga lugar. Subukan n’yong pasukin ang kanilang mga bodega at maraming naka­singit na plastic bags at styro products.

Ultimo sa dagat ay umabot na ang basurang plastic. Katunayan, meron nang mga napabalitang namatay na mga endangered na isda dahil nakakain sila ng mga plastic. Kung hindi kayang pigilan ang mga gumagawa ng mga plastics at styro products tayong mamamayan­ ang umiwas gumamit ng mga ito. Alam natin na may halaga ang plastic tulad ng sa softdrinks at mineral water­. Pero sa isang banda, meron itong hindi magandang epekto sa ating kapaligiran pagtinapon ang pinag-inuman kung saan-saan.

vuukle comment

OCAL GOVERNMENT UNIT

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with