^

PSN Opinyon

Hindi na mga mangingisda

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ang yaman-dagat talaga ang isyu, maaaring ma­uwi sa karahasan. Ganito na ang nagaganap sa English Channel, o ang karagatan sa pagitan ng mga bansang UK at France. Ang pinag-aawayan ay ang paghango ng scallops. Karahasan ang naganap sa pagitan ng limang barkong pangisda ng UK at higit 30 barkong pangisda ng France. Mas malalaki ang mga barko ng UK. Tinapunan sila ng smoke bombs at binabato ng mga Pranses, at pilit itinutulak patungong hilagang bahagi ng karagatan.

Hindi raw patas ang sitwasyon, ayon sa mga Pranses na mangingisda. Ang mga taga-UK ay walang panahong sinusundan para makapaghango ng scallops habang sila ay mula Oktubre hanggang Mayo lamang. At mas malalaki na ang kanilang mga barko. Kaya kapag nagsimula na silang maghango sa Agosto at wala pa sila, nauubos na. Kaya pumapalag na ang mga Pranses. Nananawagan na ang mga gobyerno ng dalawang bansa na kumalma na. Hindi naman siguro mauuwi sa digmaan ang dalawang bansa, na may kasaysayan nga ng karahasan.

Parang ganun na rin sa karagatan natin. Mas mala­laki ang mga barkong pangisda ng China at nakakapa­ngisda kahit saan, habang ang mga mangignisda natin ay dinidiktahan nila kung saan pwedeng mangisda. Hindi naman natin pwedeng tapunan ng smoke bombs at batuhin, dahil sigurado kikilos ang kanilang malalaking barkong coast guard na pirming nakabantay. Hindi nga patas ang sitwasyon, ang problema ay mahina ang suporta ng gobyerno sa mga mangingisda kapag China na ang pinag-uusapan. Ayaw gumawa ng sitwasyon kung saan ma­aaring magalit ang China, at pirming pagbawalan ang anumang pangingisda ng mga Pilipino sa karagatan.

Pinadala na ng Japan ang kanilang helicopter carrier sa South China Sea, para makibahagi sa malayang paglalayag ng lahat sa nasabing karagatan. Alam ko ang mga barkong pandigma ng US, UK, Australia ay nasa karagatan na rin. Alam ko kung sino ang pinapakitaan nila ng lakas. Sa dami ng barkong pandigma sa karagatan, sana ay wala namang hindi inaasahang insidente. Hindi na kasi mga mangingisda iyan.

vuukle comment

FISHERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with