^

PSN Opinyon

Niligawan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI namin kailangan ang mga eroplano ninyo. Ito ang pahayag ni President Duterte sa US, nang mag-alok ng mga F-16 Fighting Falcons at iba pang sandata sa bansa. Masyadong mahal ang mag-alaga ng mga eroplanong iyan, dagdag ng Presidente, at walang silbi ang eroplano tulad ng F-16 para labanan ang mga kalaban ng bansa. Ang tila “panliligaw” ng US kay Duterte ay naganap matapos ipadala si Defense Sec. Lorenzana sa Russia para tumingin ng mabi­biling submarine at iba pang sandata. Medyo nagpa­saring ang isang opisyal ng US Defense Department na hindi maganda para sa mga matagal nang magkaalyado kung sa Russia pa bibili ng sandata. Natural, hindi nagustuhan ni Duterte ang sinabi ng opisyal.

Wala ngang karapatan ang anumang bansa na magdikta kung ano ang gustong gawin ng Pilipinas. Pero hindi rin sana itinataboy ang matagal nang kaibigan at kaalyado. Kailangan ding isipin na kapag nagkaroon ng palit ng administrayon na hindi na “malapit” sa Russia at China, ano na ang mangyayari sa mga bibilihing sandata, mas lalo na ang isang submarine? Siguradong hindi naman bago ang mabi­bili ng bansa at ubod ng mahal, kaya siguradong may mga masisira sa submarine na iyan sa darating na panahon.

Ayon kay Duterte, ang kailangan ng bansa ay attack helicopters, para labanan ang NPA, Abu Sayyaf at ISIS. Wala naman kalaban sa rehiyon kaya hindi kailangan ang F-16. Kung ganun, para saan pala ang submarine na nais bilhin mula Russia, kung wala naman palang kalaban sa rehiyon? Gagamitin ang sub­marine para sugpuin ang mga maliliit na bangka ng NPA, Abu Sayyaf at ISIS? Naiintindihan ko ang gamit ng attack helicopters laban sa mga rebelde at militante, pero ang submarine? Maaaring mali ako, pero hindi ba mas magagamit ang mga mabibilis na barko para sugpuin ang mga bumabaybay na kalaban sa karagatan? Alam ko na bumili na tayo ng 10 barko mula Japan noong administrasyong Aquino para magamit ng coast guard. Natanggap na yata ang ilan. Pero ang Philippine Navy ang nangangailangan pa ng karagdagang barko, para mapalakas ang depensa ng bansa, kahit sabihing wala namang kaaway sa rehiyon. Mabuti na ang may malakas na kakayanan, kaysa wala.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with