^

PSN Opinyon

Baha, gawa ng masungit na panahon

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAHABA-HABANG habagat ang ating naranasan sa magka­sunod na linggo. Marami sa atin ang hindi naging handa kaya hirap ang dinaranas. Maraming lugar ang binaha dahil sa mga basurang bumara sa mga lagusan ng tubig. Ang iba naman ay ginagawang negosyo ang baha kaya imbes na diretso sa mga kanal ang tubig tuwing malakas ang ulan tinatambakan ng ibang tao upang sila’y magkapera. Ito ang hindi magandang gawain ng mga Pinoy.  Para-paraan upang kumita ng pera. Wala silang pinagkaiba sa mga kawatan.

Ang pinaka-naapektuhan sa naranasang habagat ay ang mga estudyante. Napasarap yata sa pagtulog ang ibang mayors kaya tanghali na ng inanunsiyo na walang pasok.  Ang hirap nito nakapasok na sa eskuwelahan ang mga batang pang-umaga ang pasok.  Kung kailan kasagsagan nang lakas ng ulan saka nila malalaman na walang pasok.  Siyempre mas mahirap sa kanilang pag-uwi dahil susuungin nila ang ulan at baha sa mga kalye.  Kapag ganyan naman sanang may parating na sakuna puwede naman sigurong magtrabaho si Mayor ng 24-oras.  Alamin ang lagay ng panahon upang makapagbigay ng anunsiyo ng mas maaga.

Alalahanin n’yo puno na ng pasyente ang Kidney Center kaya kung kayang iwasang lumusong sa baha ay huwag na lang magtampisaw. Huwag n’yong pabayaang maligo sa ulan at nakababad sa baha ang mga bata.  Hanggang ngayon, marami pa ring nakikitang mga kabataan na nagkalat sa kalsada habang umuulan.  Kahit pa nga sabihin nating libre na ang gamot ngayon sa leptospirosis, mahirap pa rin ang may sakit.

Ayan na bumalik na sa atin ang mga basurang itinapon.  O ‘di nakita na natin ang resulta.  Ga-bundok na basura ang tumambad sa ating lahat.  Kung sana’y nagkaroon tayo ng disiplina sa ating mga sarili hindi sana natin dinaranas ang kaliwa’t kanang baha sa ating mga lugar.

vuukle comment

TYPHOON FLOODS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with