^

PSN Opinyon

Si Nograles at LTFRB sa GRAB

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ng LTFRB, na isauli ang sobrang ibinayad ng madlang passengers ng GRAB na inihataw este mali ipinataw pala nito na P2 every minute sa waiting time sa bawat transaksyon ng kanilang pasahero at magbayad pa ng P10 million multa.

Naku ha!

Paktay lugi negosyo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung si PBA partylist Rep. Jericho Nograles, niloko raw ng GRAB ang mga inakay este mananakay nito sa pagbabayad ng P2 every minute.

Ika nga, illegal daw ito?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto rin ng LTFRB na isauli ng GRAB ang sobrang singil nila sa mga mananakay nito sa pamamagitan ng rebates.

Paano kaya ito?

Ikinuento ni Nograles, na ang utos ng LTFRB ay nagpapatunay na ang GRAB Philippines ay may ginawa umanong ilegal na affected ang 67 million total riders nila from June 2017 to April 2018.

Binira ni Nograles, ang GRAB na nagsisinungaling ang mga ito at inulol umano ang mga mananakay nila.

‘Magbayad kaya o isauli kaya nila ang dagdag P2 ng GRAB kahit gusto ng LTFRB?’

‘Sa pangyayaring ito tanggap ba ng GRAB Philippines na niloko nila ang mga mananakay nila?’ tanong ng kuwagong SP0 - 10 sa Crame.

Managot kaya sila sa katiwalian?

Abangan.

* * *

Gov’t officials sa narcolist, bumaba

NAHILA pababa ang bilang ng mga government officials na nasa narcolist ni Boss Digong na sinasabing sangkot sa illegal drugs.

Sabi nga, dumausdos pababa ang bilang nila sa ngayon.

Buti naman!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 67 na lamang ang Mayors sa narcolist, pitong tongresmen, may mga Vice Mayors at konsehal .

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana tumigil na sla sa masamang gawain.

Ika nga, magbago na!

Para hindi sila magsisi. 

Abangan.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with