^

PSN Opinyon

Kumpleto na, pero wala pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGTATAKA kung bakit napakatagal alamin kung puwede ngang gamitin o hindi ang mga tren galing Dalian sa MRT. Ilang taon na ang nakaraan para alamin ang mga ‘yan. Noong Miyerkules, lumabas na kumpleto na ang ginawang audit ng TUV Rheinland sa 48 bagon galing Dalian­. Sa pagkakaalam ng mga sumusubaybay, matagal na dapat lumabas ang mga resulta ng TUV Rheinland. Hindi maalis sa aking isip na kung masama ang findings ng TUV Rheinland ay agad inilabas iyan sa publiko, para may maibato muli sa dating administrasyon.

Ayon kay DOTr Sec. Art Tugade, kumpleto na nga raw ang audit ng TUV Rheinland, pero hindi pa rin daw puwedeng gamitin ang mga bagon. Hindi raw sumang-ayon sa tinatawag na terms of reference (TOR), anuman ang mga iyon. Aalamin pa raw kung ligtas gamitin ng publiko ang mga bagon. Ilang beses ko nang narinig iyan. Kung gaano pa katagal iyan ay walang ibinigay na paliwanag si Tugade. Hindi rin sinabi kung saan lumabag sa mga TOR ang mga bagon.    

Dalawang taon na ang lumipas nang magpalit ng admi­nistrasyon. Dalawang taon na ang lumipas para alamin kung una, puwede nga bang gamitin ang mga bagon, at pa­ngalawa, kung ligtas gamitin ang mga bagon. Noon sinabi na hindi talaga magagamit, ibalik na raw sa Dalian. Tapos, mabigat daw para sa riles. Pero lumalabas na pu­wede ngang gamitin, at tama lang ang bigat ng mga bagon. May video nga sa YouTube kung saan ipinakita na umaandar ang mga bagon sa riles.

Sinampahan na ng kaso ang ilang opisyal ng dating administrasyon kaugnay ng mga kontrobersiya ng MRT, kaya hindi na dapat isyu kung magagamit ang mga bagon ng Dalian o hindi. Kung hindi magagamit, ibalik na nga. At kung magagamit naman, at magiginhawahan ang sumasakay sa pamamagitan ng maayos na serbisyo, ipagamit na.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with