^

PSN Opinyon

Sa proyektong bitin sino ang pananagutin?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

INIHAYAG kamakailan ni Presidente Duterte na direktang mananagot ang mga namumuno sa iba’t ibang de­parta­mento ng pamahalaan sa mga palpak na implemen­tasyon ng mga proyekto.

Matagal nang problema iyan kahit sa mga nakalipas na administrasyon. Minsan, may pasisinayaan (kuno) na tulay, yun pala ay luma na ito ang pinintahan lang, tapos kukunan ng larawan para maipakita sa taumbayan na may nagawa ang pamahalaan.

Sana ay  totohanin ng Pangulo ang kanyang babala sa mga cabinet secretaries. At sana ay patawan ng pinakamabigat na parusang puwedeng ipataw ang sino mang nagsasamantalang miyembro ng gabinete.

At ang nakagugulat ay ang walang puknat na pagwasak sa mga sementadong lansangan na hindi naman sira para maipakitang nagtatrabaho ang pamahalaan. Eh bakit hindi ituon ang mga gawain sa napakara­ming wasak-wasak na kalsada na maliwanag na hindi nabibigyan ng pansin. Nagtataka talaga ako dahil wala pang dala­wang taon, ang kalsadang kagagawa ay winawasak na naman para gawin.

Sabi ng Pangulo Pangulo sa kanyang talumpati sa Na­tional Science and Technology Week, wala pa raw siyang nakitang lansangan sa Pilipinas na natapos sa tamang oras na hindi kinapapalooban ng anomalya. Malinaw na banat ito sa Department of Public Works ang Highways (DPWH).

Madalas, ang mga big-time road projects ay itinatayo para paboran ang ilang land developers para tumaas ang presyo ng mga lupaing ibinebenta nila. Kay sagwang sistema! Dapat lalong patunayan ni Duterte ang sinseridad niyang sugpuin ang matinding graft and corruption sa bansa.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with