^

PSN Opinyon

Lantaran na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NATURAL na may paliwanag ang Palasyo sa mga pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte matapos mapatay si Tanauan City Mayor Antonio Halili. Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque, “suspicion” lang daw ni Duterte na sangkot si Halili sa iligal na droga. Binatikos kasi ni Duterte si Halili, na itinulad kina Reynaldo Parojinog at Rolando Espinosa na parehong napatay dahil “nanlaban” umano sa operasyon ng mga pulis. Pinuri pa nga nang husto ni Roque si Halili na “napakatibay na kasangga ng Presidente sa giyera laban sa droga” nang malaman ang nangyari sa kanya.

Isang araw matapos mapatay si Halili, isang mayor muli ang napatay. Natambangan si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote. Pinagbabaril habang nakasakay sa SUV. Ayon kay Roque, kaalyado at kapartido ni Duterte si Bote at hindi sangkot sa iligal na droga. Ito ang pahayag noong Martes. Tiniyak naman ng PNP na nasa ibabaw sila ng sitwasyon. Sunud-sunod ang pagpatay sa mga mayor, tulad ng sunud-sunod na pagpatay sa mga pari. Naglabas naman ng pahayag ang AFP na planong patalsikin ng mga komunista si Duterte sa Oktubre. Batay daw ito sa mga pahayag ng mga sumuko na sa gobyerno, pati na rin sa mga dokumentong nakuha. Sana naman hindi pinalalabas na masamang-masama na ang sitwasyon para magdeklara na rin ng batas-militar sa buong bansa.

Nakuha na rin ang bala na pumatay kay Halili, at si­nabing karaniwang kalibre ito ng M4 o M16. Mga sundalo at pulis ang karaniwang gumagamit ng mga mahahabang baril na ito, pero kahit sino ay puwedeng makabili, basta’t kumpleto ang dokumentasyon. Pero para nga maging magaling bumaril ng M4 o M16, mahigpit ang pagsasanay nito. Tatlong anggulo ang sinusundan ng PNP ngayon, dalawa ay may kaugnayan sa iligal na droga. Wala namang detalyeng inilabas ang mga pulis para hindi maapektuhan ang imbestigasyon. 

Tulad ng nabanggit ko, kung bumababa ang bilang krimen sa bansa dahil sa kampanya laban sa iligal na droga, tumataas naman ang bilang ng mga pinapatay. Lantaran na nga ang pagpatay. Parang siguradong hindi mahuhuli ang mga pumapatay ngayon.

vuukle comment

ANTONIO HALILI

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with