^

PSN Opinyon

Makapangyarihan ba?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay Sen. Panfilo Lacson, kailangang pag-aralan muli ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanyang mga layunin. Balikan ang mga tama at maling nagawa sa nakaraang dalawang taon. Hindi lang naman daw krimen at korapsiyon ang dapat tutukan, kundi pati na rin ang ekonomiya. Malinaw na hindi naipatupad ang ipinangakong tatlo hang­gang anim na buwan para sugpuin ang iligal na droga sa bansa. Inamin pa nga ni Duterte na hindi nga raw kaya dahil mas masama ang sitwasyon sa inakala niya. Kaya sa susunod, kung may mangangakong susugpuin ang krimen sa ilang buwan o kahit taon pa, huwag nang paniwalaan. Maraming maunlad na bansa, ang sinubukang sugpuin ang krimen sa pamamagitan ng kamay na bakal pero hindi rin sila nagtagumpay.

Parang ang nangyari lang ay nagbago lang ang uri ng krimen sa bansa. Maaaring nabawasan ang mga maliliit na krimen, pero dumami naman ang mga napapatay sa lansangan. Kahit mga pari ay hindi ligtas mula sa mga mamamatay-tao. Kailan lang ay pinatay ang mayor ng Tanauan City, Batangas habang nasa flag ceremony. Ang unang hinala ng mga pulis ay sniper ang pumatay sa kanya. Matanong lang, sino ba ang nagsasanay ng mga sniper sa bansa? Nakilala si Mayor Antonio Halili sa kanyang “walk of shame” kung saan ipinaparada ang mga hinihinalang kriminal. Pero nasama rin ang kanyang pangalan sa drug list, bagay na itinanggi nito. Tinanggal nga ang kontrol ng pulis mula sa kanya dahil dito. Kaya saang anggulo kaya titingin ang mga opisyal ngayon?

Sinabi rin ni Lacson na dapat gamitin ni Duterte ang kanyang malakas na impluwensiya sa ilang miyembro ng Kongreso na may “vested interests”. Nagbanggit din na patuloy ang “pork barrel” sa ilang mambabatas, pero hindi naman pinangalanan kung sino ang meron nito. Dapat lang pangalanan na. Kung ang dating Presidente ng Pilipinas ay nahaharap sa kasong ganyan, dapat lahat din. Kung may nalalaman si Lacson, hindi ba dapat isiwalat na, bilang isang mambabatas din? O masyado bang makapangyarihan at malakas sa administrasyon ang mga meron nito, kaya hindi sila maisiwalat? 

vuukle comment

PANFILO LACSON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with