^

PSN Opinyon

First aid sa masakit na ngipin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG pagkasira ng ngipin ay tinatawag na tooth decay o dental caries. Ito ay isang problema na laganap sa Pilipinas. Maraming kabataan ang may sirang ngipin sa mura pang edad.

Nag-uumpisa ang tooth decay kapag hindi tayo nag-sepilyo at may naiwang pagkain sa pagitan ng ngipin. Dahil dito, may mga bacteria sa bibig na sumasama sa pagkaing ito at magiging dental plaque o tartar. Sa katagalan ay may asido na inilalabas ang mga bacteria at ito ang sisira sa ngipin.

Kapag hindi ito naagapan, tuluy-tuloy na ang pagka­butas ng ngipin. Kung maliit pa lamang ang butas sa ngipin ay puwede pa itong pastahan. Ngunit kung malaki na ang butas ay baka kailangan na itong bunutin. Kawawa naman ang mga bata na maraming bunging ngipin.

Habang nasisira ang ngipin, kadalasan ay inaabot ang nerve (ugat) kaya sumasakit ito. Kapag lumalim ang impeksiyon ay puwedeng kumalat ang bacteria sa dugo at magkaroon ng komplikasyon.

Ang solusyon lamang sa sirang ngipin ay ang pagpa­patingin sa isang dentista. Habang naghihintay ng appointment sa dentista, mayroon tayong first aid para sa tooth decay:

1. Puwedeng uminom ng gamot na pain reliever kung sobrang sakit ng ngipin. Ang halimbawa nito ay ang mga mefenamic acid capsules. Inumin lang ito pagkatapos kumain para hindi humapdi ang tiyan. Huwag lang inumin nang matagal.

2. Ituloy ang pagsepilyo ng ngipin kahit masakit ito. Huwag iwasan ang mga masasakit na lugar dahil posibleng doon nanggagaling ang impeksyon. Dahan-dahanin lang ang pagsesepilyo.

3. Magmumog gamit ang maligamgam na tubig na may konting asin. Ito ay para mabawasan ang pamamaga ng gilagid. Gawin ito nang madalas.

4. Mag-ingat sa matitigas na pagkain. Puwedeng mabungi ang ngipin kapag kumagat ka ng matigas. Kumain muna ng malalambot na pagkain tulad ng lugaw at isda. Umiwas din sa sobrang mainit at malamig na pagkain para hindi mangilo ang ngipin.

At siyempre, kumunsulta agad sa dentista.

vuukle comment

DENTAL CARIES

TOOTH DECAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with