^

PSN Opinyon

PNP vs. tambay

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TALK of the town, ang verbal order ni Boss Digong sa pag-aresto ng tambay, ito daw ay isang uri ng pang-aabuso sa parte ng mga reklamador lalo pa’t dumarami ang mga hindi nalutas na kaso ng kalupitan ng pulisya at ekstrahudisyal na pamamaslang sa mga mahihirap na komunidad.

Nagbibigay ito sa PNP ng masamang imahe tungkol sa illegal arrest, illegal search and seizures at sa paglabag sa right of mobility.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak na hindi maghuhudyat ng mabuti para sa mga kababaihang Pilipino na mga walang trabaho o pinilit na ga­wing kakaiba at mapagsamantalang mga trabaho sa mga komunidad at busy district.

Ayon sa mga reklamador, kinaiinisan nila ang mass arrests ng mahigit sa 5,000 diumano’y “tambays” na ginawa ng mga kapulisan sa Metro Manila kasunod ng pahayag ni Boss Digong.

Sabi nga, dapat itong itigil ng pulisya.

Bakit?

Taksang-taksang madlang pinoy ang nalalabag ang kanilang kalayaan at karapatan sa kabila ng decriminalization ng bagansya mula pa noong 2012. Ito ay nagbibigay daan sa Philippines my Philippines na paghaharing militar at kundisyon sa publiko upang supilin ang pangunahing mga karapatan at mga kalayaang sibil sa isang pasistang police state.

Kambiyo issue, sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinararating ng Malacañang sa mga ‘tambay’ na balikan ang mga kapulisan kung naglibag este mali nilabag pala ang kanilang karapatan ng hulihin sila?

‘Dapat protektahan ang karapatan at kalayaan ng isang nilalang ni Lord puera na lang kung kriminal ang hinuli.’ sabi ng kuwagong lasenggo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may ilang grupo ang hinuli sa isang lugar sa Metro Manila, dahil napagkalaman silang tambay sa lugar pero ng dalhin sa presinto ng pulisya sila ay ikinulong.

Ika nga, pinag-himas ng rehas sa karsel!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung walang kasong isinampa sa mga hinuling tambay at pagkatapos ay ikinulong pa sila hindi biro ito laban sa pulisya na gumawa ng umano’y katangahan dahil puedeng kasuhan sila ng illegal detention ng mga napagkamalang tambay.

Naku ha!

Ano ba ito?

Bakit, ikinulong ang mga pobreng alindahaw!

‘Iyan ang ipasagot natin sa mga pulis na nagkulong?’

Ang gusto lamang palang palabasin ng pulisya ang pag­huli sa tambay ay para labanan ang kriminalidad sa kalye.

Ano ba ito?

Abangan.

vuukle comment

BOSS DIGONG

PNP VS. TAMBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with