^

PSN Opinyon

‘Drug Free,’ sa sweet sixteen airports

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TUWANG - TUWA at nanggagalaiti sa gigil ang pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines dahil sa naging resulta sa isinagawang random drug test para sa mga officials at employees ng kanilang tanggapan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bantay salakay este mali batay pala sa naging resulta, lumilitaw na negative sa droga o “drug free”  ang lahat ng mga employees ng CAAP mula sa 16 airports sa Philippines my Philippines.

Ibinida ito ni Erick Apolonio, taga-salsal este mali tagapagsalita pala ng CAAP, sa isinagawang random drug testing na pinangasiwaan ng Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine para sa mga kawani ng nasabing  ahensya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahigit daw sa 2,000 employees ng CAAP ang nagtra­trabaho sa 16 na paliparan sa Philippines my Philippines.

Kaya naman ang mga ninuno este pinuno nila sa CAAP ay masayang - masaya porke walang adik, at sumisinghot ng ‘floor wax’ este droga pala.

Ibinalita ni Apolonio, ang random drug test ay sinimulan noong February 7 hanggang May 4 na kinabibilangan ng mga kawani ng CAAP na nagmula sa Davao International Airport, Laguin-dingan Airport, Tuguegarao Airport at Laoag International Airport.

Ang iba pang mga paliparan na ‘drug free’ ay nagmula pa rin sa Cebu-Mactan International Airport; Kalibo International Airport; Dumaguete Airport; General Santos International Airport; Puerto Princesa International Airport; Zamboanga International Airport; Iloilo International Airport; Tagbilaran Airport; Plaridel Airport; Tacloban Airport; Roxas Airport at Surigao Airport.

Sabi nga, malinis silang lahat sa droga.

‘Sana huwag na silang gumamit pa ng ipinagbabawal na gamot!’

Abangan.

* * *

 Congrats, Barangay Chairman Allan Unarse.

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na muling naging hangal este mali nahalal pala last May 14  Barangay at Sangguniang Kabataan elections, si Barangay Chairman Allan O. Unarse.

Sabi nga, pulling away!

Sa kaniyang panalo ay napatunayang itinuturing ng isang alamat sa larangan ng serbisyo publiko si Chairman Allan bilang ‘Village Chief’ ng Barangay 587-A Zone 58.

Ang nasabing lugar ay matatagpuan sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Boulevard kanto ng V. Mapa St., Sta. Mesa, na sakop ng 6th District ng Maynila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pasok din ang bitbit na mga Barangay Kagawad ni Che Unarse na kaniyang makakasama sa loob ng dalawang taong panunungkulan upang tugunan ang pangangaila­ngan ng kaniyang constituents.

Pasok din ang lined-up ng mga Barangay Kagawad na katunggali ng grupo ng butihing Punong Barangay.

‘yun nga lang ‘pasok sa banga’. Hehehe!

Kaya naman buong pusong ipinararating ni Che Unarse at buong pamilya ang taos pusong pasasalamat sa patuloy ng suportang ipinagkakaloob ng mayorya ng kaniyang mga kabarangay.

Kasabay ang pangakong mas higit na pagiibayuhin ang matapat na paglilingkod sa nasasakupang pamayanan at hinimok ang kaniyang mga naging katunggali sa halalan na muling magsama-sama para sa kaayusan, katahimikan at kaunlaran ng minamahal nilang barangay.

Nangako rin si Che Unarse sa kaniyang makakasamang mga bago at lumang Konsehal ng Barangay ang suportang ipagkakaloob ni ‘Jess’ na ipamamahagi ng pantay para sa kasiyahan ni ‘Editha”, ang dalawang personalidad na na­ging sekreto ng matagumpay nitong pagkakaluklok muli sa elected post ng ma-alamat na Bgy. Chairman.

vuukle comment

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with