^

PSN Opinyon

Jose Calida lumaki na ang ulo

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SUMOBRA naman ang yabang ni Solicitor General Jose Calida, alam kasi niya na malakas ang kapit niya kay Pres. Digong Duterte. Alam nating lahat na siya ang pasi­muno na patalsikin si Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno sa puwesto na pinadaan lang kay Calida. Dapat di na nakialam ang dalawang ito at pinaubaya na lang sa mga mambabatas ang kaso ni Sereno. Kahit ako hindi sang-ayon kay Sereno pero ang gusto ko ring mangyari ay matanggal siya sa pamamagitan ng impeachment trial, hindi dinaan sa quo warranto. Natural maraming abogado ang umalma sa ginawa ni Calida minadali nila ang pagpapatalsik kay Sereno sa puwesto.

May mga opisyal ng gobyernong nangangamba na baka sipain din sila sa kanilang puwesto dahil sa kalokohang ginawa ni Calida. Sobrang taas na ang tingin niya sa sarili, maghinay-hinay lang itong si Calida dahil ang lipad na sobrang taas paglumagapak sa lupa ay masakit. Sino ba siya? Mas mataas ba siya sa mga huwes? Of course not! Masyado siyang sipsip kay Digong. Pasasaan ba at makakakita rin ng butas ang kanyang mga kalaban na siya niyang ikakabagsak. Maghintay lang at baka mas masahol pa ang dumi niya sa sarili kaysa kay Sereno. Bago man lang sana niya punahin ang dumi ng iba ay baka puwedeng tumingin muna siya sa salamin.

Tingnan n’yo naman kaliwa’t kanan ang tumitira nga­yon kay Calida, ultimo ang kapwa niya abogado ay hindi pinalalampas ang ginawa nya kay Sereno. Ayan tuloy pati personal niyang buhay ay tumambad na sa social media. Ngayon magsisi man sa ginawa niya ay huli na. Bilang promotor sa pagpapatalsik kay Sereno mukhang mas mabigat na krus ang kanyang pasan ngayon. Sige nga, ipakita niya ngayon sa taumbayan na mas malinis at matapat siyang kawani ng gobyerno kaysa kay Sereno.

vuukle comment

SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with