^

PSN Opinyon

Salaing mabuti ang mga iboboto

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA wakas matutuloy na rin ang barangay at SK elections. Gaya ng sinabi ko sa nakaraang kolum mabuti pang i-abolish na lang ang SK sapagkat ugat lang yan ng graft and corruption at isa pa maraming mga kabataan ang hindi sumali marahil ay abala ang mga ito sa kani-kanilang mga pag-aaral at trabaho. Ang iba naman ay hindi kuwalipikado sa pagiging SK chairman.

Sa Mayo 14 sana ay maging matalino tayong mga bo­tante sa pagpili ng ating magiging barangay chairman, dahil hindi lahat ng kumakandidato ay pagseserbisyo sa bayan ang hangarin. Gayundin sa pagpili ng barangay kagawad kita n’yo naman ang pagpili ng mga barangay chairman at kagawad na sangkot sa droga imbes na sila ang magpa­laganap ng katahimikan at kapayapaan sila pa itong mga pasimuno sa mga kabulastugang nangyayari sa kanilang mga barangay. Maraming barangay chairman ang nasa narco-list ng PDEA at katulad ng dati. Maraming umalma pero sa akin lumang tugtugin ang inasal ng mga nasabing barangay chairman, may kasabihan nga kung may usok ay may apoy.

Tayong lahat ay may kalayaan sa pagboto at malaya tayong pumili kung sino ang ating iboboto. Habang ma­aga suriin mabuti ang mga kandidatong isusulat sa inyong mga balota huwag ninyong ibenta ang mga boto nyo baka kayo rin ang magsisi sa bandang huli. Alam naman nating lahat ‘yan na sa tuwing sasapit ang halalan ay hindi puwedeng puro salita lang ang maririnig sa mga kandidato meron ding nangyayaring gapangan diyan sinusuhulan nila ng pera ang mga taong alam nilang hindi sila iboboto. Pa­yong kapatid lang tanggapin ang pera iboto ang kursunada.

Sa mga narco-politician habang maaga pa ay puwede pang umatras dahil manalo man kayo ay hahabulin pa rin kayo ng batas at mapapahiya lang kayo.

vuukle comment

GRAFT AND CORRUPTION

SK ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with