^

PSN Opinyon

Tanggal sa trabaho ang buntis

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG imoralidad ay isang mabigat na dahilan para matanggal sa trabaho alinsunod sa RA 1052. Anumang kalaswaan o immoral na gawain sa loob ng opisina tulad ng adultery o concubinage ay maituturing na “serious misconduct” at sapat nang batayan upang tanggalin sa trabaho ang isang empleyado. Ang isyung ito ay tinatalakay sa kaso ni Gladys.

Nagtatrabaho si Gladys sa HR (Human Resource) na isang institusyon ng simbahan na nagpapatakbo ng ospital at kolehiyo. Boyfriend niya si Ben na dating katrabaho. Sa tagal ng kanilang relasyon ay nabuntis si Gladys. Nang malaman ng institusyon ang kanyang pagbubuntis, sinuspinde si Gladys. Ginamit na basehan ang Art. 282 (a) ng Labor Code. Pinilit bumalik sa trabaho ni Gladys pero dapat daw na pakasalan muna niya ang nobyo ayon sa Institusyon. Sabi nito, baka raw masira ang reputasyon nila kung ang mismong HR na isang propesyonal ay nagkaroon ng tinatawag na “pre-marital sexual relations” at nabuntis ng walang basbas ng kasal samantalang ang sinusulong ng institusyon ay ang pagiging sagrado ng kasal.

Nagsampa ng reklamo si Gladys sa NLRC ng constructive illegal dismissal.  Hindi raw makatarungan na basta na lang siya patalsikin sa trabaho. Naghabol din siya na maibalik ang suweldo at humingi ng danyos perwisyo.

Ang katwiran ni Gladys, hindi naman daw maituturing na imoralidad ang mabuntis na walang basbas ng kasal. Una, binata at dalaga naman daw sila kaya walang hadlang para sila magpakasal. Pangalawa, sinuspinde siya dahil sa kanyang pagbubuntis at hindi dahil sa relasyon nila ni Ben. Tinitira rin ni Gladys ang naging kondisyon ng institusyon na dapat muna siyang magpakasal bago bumalik sa trabaho bilang isang malinaw na paglabag sa Art. 136 ng Labor Code.

Ang depensa naman ng institusyon ay mali si Gladys na limitahan ang kasong imoralidad sa pakikipagrelasyon sa isang may asawa. Dapat daw tandaan ng babae na isa itong eskuwelahan na nangangaral na salungat sa ginawa ng dalagang-ina ang magpabuntis ng walang basbas ng kasal.    

Parehong kinatigan ng Labor Arbiter at ng NLRC ang panuntunan ng institusyon. Papasok daw sa “serious misconduct” sa ilalim ng Art. 282(a) ng Labor Code at pati na rin sa Section 94 ng Manual of Regulations for Public Schools (MRPS) ang naging pakikipagrelasyon at pagbubuntis ni Gladys kay Ben.

Dahil sa teknikalidad ay binasura ng Court of Appeals ang naging apela ni Gladys. Pero nang umakyat sa Supreme Court, sinabi ng SC na nagkamali ang Labor Arbiter at ang NLRC.

Ayon sa SC, hindi relihiyon kundi pampubliko (secular) ang pamantayan ng moralidad. Ang dapat na kondisyon ay depende sa progreso ng ating lipunan. Hindi sapat na tawagin na paglabag sa moralidad ng lipunan ang ginawa niya porke lang hindi ito katanggap-tanggap sa isang sekta o relihiyon. Hindi naman daw pinangalandakan ni Gladys ang ginawa niyang pakikipagrelasyon sa kanyang boyfriend. Kahit kailan naman ay hindi siya naging  magaslaw o nag-eskandalo sa kanyang pagkilos.  Walang batas na nagpaparusa sa isang dalagang ina dahil lang nakipagtalik siya na hindi pa kasal. Hindi rin pinagbabawal sa dalawang tao na makipagsex sa isa’t isa basta wala silang sabit o hindi sila kasal. Wala rin silang nilabag na patakaran ng ating Saligang Batas. Ang premarital sex sa pagitan ng dalawang tao na nagresulta sa pagbubuntis ng babae ay hindi maituturing na paglabag sa moralidad ng ating lipunan. Hindi rin ito puwedeng ikonsiderang kalaswaan o kaya ay immoral conduct sa ilalim ng Section 94 (e) ng MRPS na ginamit na batayan ng eskuwelahan. Talagang iligal ang pagtanggal sa trabaho ni Gladys kaya dapat siyang bigyan ng backwages at separation pay pati na attorney’s fees (Christine Joy Capin-Cadiz vs. Brent Hospital and Colleges Inc., G.R. 187417, Feb. 24, 2016).

vuukle comment

RA 1052

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with