^

PSN Opinyon

Integridad ng narco list

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGULANTANG hindi lang ang mga pulitikong natutulog sa pansitan kundi pati na rin mga simpleng mamamayan sa inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na listahan ng barangay officials na sangkot diumano sa droga.

Hati ang opinyon ng publiko sa hakbang na ito. May mga sumang-ayon habang mayroon ding ilan na tumututol. Buwelta ng mga kritiko, isa itong demolition job ng PDEA laban sa ilang kumakandidato. Itinaon daw kasi ng ahensiya ang paglabas ng narco list kung kailan malapit na ang elek­syon. Bagay na pinabulaanan ni PDEA Director General Aaron Aquino. Ayon sa kanya, inilabas nila ang listahan sa utos ng Presidente. Hindi para siraan ang mga kumakandidato kundi upang bigyang gabay ang publiko kung sino ang dapat iboto.

May mga kumukuwestiyon din sa integridad ng narco list. Ayon sa detractors, baka tulad din ito ng listahan na ini­labas noon ni President Digong. Matapos isapubliko biglang babawiin dahil may mali sa mga impormasyon. Sagot ni Aquino, matibay ang hawak nilang mga ebidensiya. Mula nang lumabas ang unang narco list noong December 2016, nabuo ang task force validating team na kinabibilangan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, National Intelligence Coordinating Agency at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines. Kaya kung integridad ang pag-uusapan, walang duda ang PDEA sa inilabas nilang narco list.

Aktibong nagpupulong ang apat na ahensiyang ito buwan-buwan upang i-update ang narco list. Sa katunayan, mula sa mahigit 3,000, lumobo na sa 6,000 ang bilang ng mga pulitikong napasama sa listahan at patuloy pang nada­dagdagan. Para rin sa kaalaman ng publiko, hindi madali ang proseso bago ma-validate ang impormasyon na ibinabato sa kanila. Dadaan muna ito sa planning, information gathering, interpretation, translation, analysis at data integration bago maging isang ‘intelligence report.’ Kaya kung may mga kumukuwestiyon man sa integridad ng narco list ng PDEA, handa ang ahensiya na humarap sa korte at makipag-debate sa mga gusto lang manira sa kanila. Dahil sa kabila ng mga batikos at kritiko, hindi natatakot ang PDEA kontra ilegal na droga.

Sa huli, nanawagan si Aquino sa publiko na huwag matakot magsumbong. Kung may nalalamang impormasyon, agad makipag-ugnayan sa PDEA. Maaring tumawag sa ka­nilang hotline numbers o magpunta sa kanilang opisina. Matutuldukan lang ang problema sa droga, kung ang lahat ay magkakaisa.

vuukle comment

BARANGAY OFFICIALS

DROGA

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with